A. DAYUHANG LITERATURA
Ayon kay Smith (1998:35) may katangian ang pagsasaulong puspusan sa mga letra o listahan habang bumabasa. May relasyong dulot ito sa kasalukuyang pag-aaral sa dahilang ang pagkakaroon ng dating karanasan ang makakatulong upang mapadali ang pagkatuto sa pagbasa at ito ay binanggit sa kanyang pag-aaral.
Ang una, may dalawang mag-aaral edad walo na pinababasa ng malakas ng walang fidbak o instruksyon. Ang pagmomodelo ay ang guro ang nagbabasa ng malakas mula sa aklat ng isang minuto habang ang mag-aarala ay nakikinig, pagkatapos ang mga mag-aaral ay pinababasa mula dalawang minuto hanggang tatlong minuto habang ang guro ay nakikinig ng tahimik. Hinahayaan ng guro na pabasahin ang mga mag-aaral ng malakas ng kanilang sarili lamang.
Sa isinagawang pag-aaral ni Arabejo (2004:85) ang pagbasa ay isang makabuluhang paraan ng pagkilala, pagkuha ng ideya, at pagbibigay kahulugan sa mga simbolong nakalimbag at susing magbubukas ng damdamin, kaalaman, at kaisipang nalikom ng tao. Ang pagbasa ay may dalawang uri ayon sa kanyang pagsasagawa nito: una, ang tahimik na pagbasa na isisnasagawa sa pamamagitan ng mga mata: at ikalawa, oral o pasalitang pagbasa sa mga nakalimbag na titik at pagsasatinig nito upang maihatid sa tagapakinig ang mensahe ng may akda.
B. LOKAL NA LITERATURA
Mula sa artikulong isinulat ni Gutierrez (1997:24), maraming pagkakataon ng napatunayan na ang mabisang pakikinig ay nagbubunga ng isang mabisang interaksyon sa pagpapalitan ng kuro-kuro. Mula rin sa mabisang pakikinig magkakaroon ng mabisang paakaunawa sa mga aralin lalong higit sa pagkatuto sa pagbasa ng mga bata. Sinang-ayunan ng mga mananaliksik ang sinabi ni Gutierrez, dahil sa kung hindi magkakaroon ng mabisang pakikinig ang mga bata ay hindi maganda ang magiging resulta ng paghahanda sa pagtuturo ng panimulang pagbasa at wastong pagsasalita ng wika.
Sinabi ni Baguio (1995:433) na ang mabuting gawi sa pagabasa ay dapat malinang sa simula pa lamang ng pagbasa. Ang wastong kilos ng mga mata sa nakalimbag na pahina ay malilinang kung ang pagbasa ay itinuturo upang makita ang mga ideya.
Ayon naman kay Santiago (2000:136) ang layunin sa pagtuturo ng pagbasa sa una at ikalawang baitang ay sumasaklaw sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkilala at pag-unawa, sa ikatlo at ika-apat na baitang ay ang paglinang ng mabilisang kakayahan sa pagbasa na may sapat na pagkaunawa; sa ikalima at ika-anim na baitang ay ang paglinang ng palagiang kawilihan sa pagbasa sa lalong maunlad na antas ng kanilang kakayahan. Ang mga kwentong napaplob sa mga babsahing aklat sa bawat baitang ay dapat maiugnay o maibagay sa antas ng paglilinang ng mga mag-aaral tungo sa ikatatamo ng mga layunin.
C. DAYUHANG PAG-AARAL
Isa na dito ay ang sinabi ni Aist at Mostow (2000:32) na nagpapaliwanag sa kabutihang makukuha sa pamamagitan ng pagbasa gaya ng pagkakaroon ng dagdag na kaalaman, mga ideya, mga mithiin, at mga pangyayari sa nakaraan.
D. LOKAL NA PAG-AARAL
Sa ginawang pag-aaral ni Piscasio (1995:21) ang mga pagsasanay sa paglinang ng mga ksanayan sa pagbasa sa Filipino, kanyang natuklasan na ang kakayahan sa isang bagay ay hindi natatamo sa isang paraan lamang. Nangangailangan ito ng iba’t ibang pagsasanay upang ang kinakailangang kakayahan ay matamo ng mga bata.
Sa ginawang pag-aaral na ito na malaki nga ang tulong ng maagang kasanayan sa pagbasa subalit sa kasalukuyan nangangailangan pa rin ng mga makabagong teknik ukol dito na kailangang sundin at pagbatayan.
E. SINTESIS NG PAG-AARAL
Katulad ng mga pag-aaral na isinagawa ni Carver (1994), sa pasalitang pagbasa ang pagsususring ito ay tumutukoy din sa iilang kamalian ng mga mag-aaral sa nasabing linya. Sa pagsusuri na isinagawa ni Santiago tinukoy niya ang mga layunin ng pagbabasa at ang mga kinakailangang sangkap upang matamo ang isang maayos na pagbabasa na siya ring mithiin ng pagsusuring ito.
1 comment:
Thank you po.
Post a Comment