A. DISENYO NG PANANALIKSIK
B. SAMPLE POPULATION O MGA RESPONDENT NG PAG-AARAL
C. SAMPLE TECHNIQUE O PARAAN NG PAGKUHA NG MGA DATOS
Sa pamamagitan ng tseklist o listahan ng mga gawain, ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng gabay upang malaman ang mga dapat ng gawin at unahin sa paunang paglilikom ng datos at iba pang impormasyon. Una na rito ay ang paglikha ng palatanungan o questionnaire para sa mga mag-aaral na magiging tagasagot sa pagsusuring nabanggit. Gumawa rin ng balangkas para sa listahan ng mga kamalian sa gagawing pagsasanay sa pasalitang pagbasa na naglalaman ng mga sumusunod:
2. Pagdaragdag ng mga salita sa loob ng pangungusap
3. Pagkakaltas ng mga titik sa mga salita
4. Maling Pagbigkas ng mga salita
5. Hindi Pagpansin sa mga bantas sa loob ng pangungsap
Ang ikalawang bahagi ng paglikom ng datos ay ang paggawa ng bahagdan upang
matiyak na ang mga impormasyong makakalap ay makakasagot sa mga kinakailangang datos na ginagamit sa pagsasaliksik.
D. RESEARCH AND INSTRUMENTS O INSRUMENTO SA PAGKUHA NG TALLY SHEET
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talaan na naglalaman ng mga sumusunod na datos:
1. Talaan sa propayl ng mga tagasagot na mag-aaral 2. Talaan ng mga kamalian o kahinaan sa pasalitang pagbasa 3. Talaan ng mga panlunas sa mga kahinaan nito. 4. Teksto na ginamit na aralin sa pagsasanay sa pasalitang pagbasa (isang tula na may pamagat na “Ang Bukid” na binubuo ng limang taludtod.
Ang bahaging ito ng pag-aaral ay nagbibigay ng mga impormasyon at mga datos ukol sa ginawang aktuwal na pagpapabasa sa mga mag-aaral ng Ikalawang Baitang ng Mababang Paaralan ng Banlic.
Talahanayan 1.1
KASARIAN PREKWENSYA BAHAGDAN
Babae 10 50%
Kabuuan 20 100%
Ipinapakita sa talahanayan 1.1 ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa kasarian.
Ayon sa talahanayan ang bilang ng mga lalaki ay 10 at may bahagdan na 50% at ang bilang naman ng mga babae 10 at may bahagdan na 50%. Batay sa ipinapakita ng braket
ay may pantay na dami ng bahagdan ang mga respondante (babae at lalaki). Ayon sa
nalikom na datos ng mga mananaliksik ang mga tagasagot ay may kabuuang bilang na 20 (100%).
TALAHANAYAN 1.2
Edukasyong Natamo ng mga Magulang ng mga Respondante
Nakatapos ng Kolehiyo 5% 3 1 2
Nakatapos ng Sekondarya 50% 10 4 6
Nakatapos ng Elementarya 45% 5 2 2
Kabuuan 100% 20 10 10
Ang talahanayan 1.2 ay nagpapakita ng propayl ng mga bata ayon sa edukasyong natamo ng mga magulang, ipinapakita sa talahanayan na 3 ang bilang ng mga bata na ang magulang ay nakarating ng kolehiyo at may bahagdan na 5%,may magulang na nakatapos ng sekondarya ay 10 at may bahagdan na 50%, may magulang na nakatapos lamang ng elementarya ay 7 na may bahagdan na 45%
TALAHANAYAN 1.3
HANAPBUHAY
ng TATAY BAHAGDAN BABAE LALAKI
Nagtatrabaho sa pabrika 25% 2 3
Empleyado 10% 0 2
Atbp 50% 6 4
Wala 15% 2 1
Kabuan 100% 10 10
Ayon sa Talahanayan 1.3, 5 sa bawat mag-aaral na may bahagdan na 25% ang ang tatay ay nagtatrabaho sa pabrika, 2 mag-aaral na may bahagdan na 10% bilang empleyado, 10 mag-aaral na may bahagdan na 50% na may iba’t-ibang uri ng trabaho at 3 mag-aaral na may bahagdan na 15% ang walang trabaho ang tatay.
TALAHANAYAN 1.4
Hanapbuhay ng NANAY BAHAGDAN BABAE LALAKI
Nagtatrabaho sa pabrika 25% 2 3
Empleyado 15% 1 2
Magsasaka 10% 1 1
Wala 50% 6 4
Ayon sa Talahanayan 1.4, 5 sa bawat mag-aaral na may bahagdan na 25% nanay na nagtatrabaho sa pabrika, 3 mag-aaral na may bahagdan na 15% bilang empleyado, 2 mag-aaral na may bahagdan na 10% bilang magsasaka at 10 mag-aaral na may bahagdan na 50% ang walang trabaho ang nanay.
3 comments:
TNX SA IDEA...HEHEHE,,:)
Salamat po...
Thanks a lot!it's really of great help god bless...
Post a Comment