WIKA
--ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa kominukasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura.—Henry Gleason
KATANGIAN NG WIKA
1. Masistemang balangkas
Ponolohiya/ ponema—ang nagtuturo sa atin kung anong tunog ang makabuluhan sa isang salita at kung paano binago ng pagbigkas ang kahulugan ng isang salita
Morpolohiya/ morpema—ito ang tumatalakay sa pagbuo ng salita
Sintaksis—tamang ugnayan ng mga salita sa loob ng pangungusap
Semantika—pag-aaral ng kahulugan ng mga salita
Diskurso—pagpapalitan ng pahayag sa pagitan ng dalawang tao
2. Sinasalitang tunog
*hindi lahat ng tunog ay maaaring tawaging wika, dapat ito ay nagbibigay ng kahulugan; maituturing lamang ito na wika kung ito ay may kaisipan
3. Pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo
4. Nabibilang sa isang kultura
5. Ginagamit sa komunikasyon
6. Dinamiko
Dinamiko—wika ay nagbabago sa paglipas ng panahon
Language Variation—pagbabago ng wika mula sa isang wika mula sa isang wika
Language Change—etimolohiya/kasaysayan ng isang salita
RETORIKA
--nagmula sa salitang Griyego na “rhetor”, isang guro at mananalumpati o tagapagsalita sa isang pagpupulong
--isang pag-aaral sa masining na paggamit ng lenggwahe upang maimpluwensyahan ang damdamin at kaisipan ng ibang tao.
**Ito’y isang bahagi o sangay ng diskurso na nauukol sa panghihimok o persweysyon—ARISTOTLE
**Ito’y ang paggamit ng mga simbolo na may kakayahang pumukaw sa ating kalikasan na tumugon sa mensaheng ipinahahatid ng mga naturang simbolo—KENNETH BUKE
**Ito’y isang siyensa o agham ng persweysyon—SOCRATES
**Ang sining ng argumento ng pagsulat—RICHAD WHATTLEY
**Ito ay sining ng mabisang pagpili ng wika pagkat may iba’t ibang pamilian o alternatibo—DR. VENANCIO L. MENDIOLA
Persweysyon—kakayahan ng isang tao na makaimpluwensya sa kanyang kapwa
Tatlong Uri ng Persweysyon Ayon kay Aristotle
1. Talumpating Panghukuman/ Forensic o Judicial—naglalayong patunayan ang pagiging matuwid o di matuwid na ibinunga ng mga nakaraang pagkilos ng mga tao
2. Pampubliko/ Deliberative—naglalayong pakilusin ang madla o hadlangan ang napipintong pagkilos ng tao
3. Ayon sa Okasyon/ Epideictic—ang talumpating binibigkas depende sa okasyon tulad ng sa mga lamay, dedikasyon, atbp.
Tatlong Paraan ng Persweysyon
1. Logos—paggamit ng pangangatwirang umaapela sa isipan
2. Pathos—paggamit ng pangangatwirang umaapela sa emosyon
3. Ethos—ito ay tumutukoy sa karakter o raport na taglay ng isang mananalumpati
MGA KANON O BATAS NG RETORIKA
1. Imbensyon—tumutukoy sa malinaw na proseso ng paghahanap ng mga argumento na magagamit para sa isang talumpati na maaaring sa paraang induktibo o deduktibo
Induktibo—pagbuo ng pangkalahatang kongklusyon mula sa partikular na linya ng pangangatwiran
Deduktibo—tumutukoy sa pangangatwiran sa pamamagitan ng paggamit ng mga analohiya o mga impormal na anekdota
2. Pagsasaayos—proseso ng pag-oorganisa sa talumpati gayundin sa pagsasaayos o pagbabalangkas ng bahagi ng isang talumpati ayon sa ss:
Introduksyon o panimula
Narasyon/paglalahad ng mahahalagang punto
Paghahain ng mga patunay sa kasong tinalakay
Pagpapabulaan/tunggalian
Konklusyon
3. Istilo—proseso ng masining na pagsasatitik ng mga nadiskubre o naihanay na kaisipan o ebidensya.
4. Memorya—tumutukoy sa bahagi ng isinasaulo ang isang talumpati o mga mahahalagang punto ng isang talumpati upang maging maayos ang pagbigkas nito sa harap ng publiko
5. Deliberasyon—tumutukoy sa aktwal na deliberasyon o pagbigkas kung saan kinokontrol ang modyulasyon ng tinig gayundin ang paglalapat ng mga angkop na kumpas sa isang talumpati
BALARILA (grammar)
--bala ng dila—LOPE K. SANTOS
--tumutukoy o may kaugnayan sa pag-aaral ng anyo at uri ng mga salita; tamang gamit ng mga salita at tamang kaugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipan o diwa.
GRAMATIKA
--inaaral ang kayarian ng isang salita
--pag-aayos-ayos ng mga salita sa loob ng isang pangungusap/ sintaksis
--tamang paggamit ng salita upang mabuo ang pangungusap
Linguistic Competence—kabihasaan sa paggamit ng salita
Paggamit ng mga retorikal na kagamitan o transisyunal na pananalita:
IDYOMA
--pagpapahayag ng mga saloobin at kaisipan na di-tuwiran; ang kahulugan ay nasa pagitan ng salitang ginagamit.
Hal.
Naglalako ng asin—nagyayabang
Makati ang dila—tsismosa
SALAWIKAIN
--nasa anyong patula, may sukat at tugma at talinghaga kaya’t kaiga-igayang pakinggan
--naglalaman ng mga paalala at pilosopiya sa buhay
Hal.
Pag may itinanim, may aanihin
Kung ano ang puno, siya ring bunga
KASABIHAN
--ito’y gumagamit ng mga talinghaga at himig panunudyo; may payak na kahulugan
--nasasalamin dito ang kilos at gawi ng isang tao
Hal.
Utos sa pusa, utos sa daga
Malakas ang loob, mahina ang tuhod
KAWIKAAN
--nagsisilbing tagapagpaalala rin ang mga kawikaan sa mga dapat ugaliin at maging asal ng mga kabataan
--may sukat, tugma at kariktan din
Hal. Ang magagawa ngayon, huwag nang ipagpabukas
Walang halaga ang yaman, sa araw ng kamatayan
TAYUTAY/ TALINGHAGA
--sa paggamit nito,nagkakaroon ng kasiningan at kabisaan ang isang pahayag na karaniwang makaaakit sa sinumang nakikinig
--paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita
Iba’t Ibang Uri ng Tayutay
1. Pagtutulad (Simile)—paghahambing ng dalawang tao, bagay o pangyayari na ginagamitan ng mga salitang tulad, para, wari .. etc.
hal. Singkinis ng labanos ang kutis ni TJ.
2. Pagwawangis (Metaphor)—tiyakang paghahambing
hal. Mapupulang makopa ang mga pisngi ni Justine.
3. Pagbibigay katauhan/padiwantao (Personification)—pinakikilos/ pinagagawa na tulad ng mga tao ang mga bagay
hal. Naghahabulan ang mga alon sa karagatan.
4. Pagmamalabis (Hyperbole)—nagpapahayag ng sitwasyong labis-labis
hal. Umulan ng piso ang bahay nina JV nang dumating si Lara.
5. Pauyam (Irony)—mga pananalitang pangungutya sa tao o bagay.
Hal. Ang laki mo naman Jaime. =P
6. Patalinghaga (Allegory)—pahayag na di tumutukoy sa literal na kahulugan ng mga salita
hal. Nahasik sa matabang lupa ang binhing isinabog ng Panginoon.
7. Pagtatambis (Antithesis)—pagpapahayag ng mga bagay na magkasalungat para bigyang bisa ang natatanging kahulugan
hal. Hindi ko maunawaan si Gester, pag mabait ka sa kanya, aawayin ka; pag hindi mo pinansin, aawayin ka pa din. AP talaga.. haha
8. Pagpapalit-tawag (Metonymy)—nagsasaad ng pagpapalit ng katawagan na mga bagay sa may kaugnayan dito
hal. Magagandang bulaklak ng nayon (dalaga) ang kanilang mga panauhin.
9. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)—pagbanggit sa isang bahagi na sumasaklaw sa kabuuan
hal. Si Majesty ang bisig at ulo ng Arsi Tutu.
10. Pagtanggi (Litotes)—pagpapahayag na ginagamitan ng salita o panangging hindi upang bigyan diin ang mahahalagang pagsang-ayon
hal. Hindi sa ayaw ko siyang pasamahin ngunit puno na ang van.
11. Pagdaramdam (Exclamation)—nagpapahayag ng pagkabigla/di karaniwang damdamin
hal. Tuwang tuwa ako nang manalo ka Megan! Binabati kita!
12. Pagtatanong/pasagusay (Rhetorical Ques)—tanong na di nangangailangan ng kasagutan
hal.
May ina kayang makatitiis sa anak na naghihirap?
13. Pagtawag (Apostrophe)—pagtawag sa isang tao o bagay sa animo’y kaharap gayong wala naman.
Hal.
Paglimot! Nasaan ang awa mo?
PANGUNGUSAP
--salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa/kaisipan
--isang sambitlang may panapos na himig sa dulo—DR. ALFONSO O. SANTIAGO
Inuri niya ang mga ito sa ss:
1. Eksistensiyal—mga pangungusap na nagsasaad ng pagkamayroon ng isa o mahigit na bagay na tinutukoy
hal. May tao sa silid-aralan.
2. Mga pangungusap ng paghanga.
Hal. Ang galing mo!
3. Nagpapahayag ng matinding damdamin
hal. Aray!
4. Nagsasaad ng panahon
hal. Bumabagyo.
5. Pormulasyong Panlipunan—mga pangungusap na nakagawian na ng ating lipunan
hal. Tao po.
Paksa (simuno)—pinag-uusapan sa pangungusap
Predikatibo (panaguri)—nagsasabi ng tungkol sa paksa
Pangungusap Ayon sa Gamit
1. Pasalaysay/ Paturol
2. Pautos/ Pakiusap
3. Patanong
4. Padamdam
Pangungusap Ayon sa Kayarian
1. Payak—binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa
hal.
Nag-aaral ng judo-karate si Genalyn.
Nagtanim at nag-ani ng kamote sina Mean at Bern.
2. Tambalan—dalawa o higit pang sugnay na kapwa makapag-iisa
hal.
Nagbigay ng lecture si MaEl ngunit siya ay nawala pagkatapos ng semester.
3. Hugnayan—isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa
hal.
Nagkuquiz kami nang dumating si Itchan.
4. Langkapan—dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at ng isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa
hal.
Pag nag-utos si Cathy, sundin mo agad, matutuwa siya sa iyo at siya ay magkacart-wheel.
UNIT II
Sophist—maibigin sa karunungan; “man of learning”
Corax at Tesias—gumawa ng mga talumpati na binibigkas ng mga tao sa parliamento ng sinaunang Gresya; nagsilbing tagapayo o guro ng kanilang mga kababayan hinggil sa nararapat na gawin sa kanilang pagdulog sa parliamento
Coraxàmahalaga na ang bawat pahayag ay umaapela sa damdamin sa halip na sa isipan
Socratesàhindi lamang umaapela sa damdamin bagkus humahamon din sa isipan
Dayalektik—isang uri ng pangangatwiran kung saan ang mali ay naitatama at ang tama ay maaaring ipamali.—SOCRATES
ISTILO
--paraan ng pamumuhay, pananamit, pananalita at pagsulat
--nagbibigay distinksyon sa isang indibidwal
--sumsaklaw sa pagiging makabago, makaluma, marahas o karaniwan
--tono o punto de bista
--kasanayan sa pag-oorganisa ng pangungusap patungo sa talata
--sasalamin ng katangian ng isang indibidwal
--manipulasyon ng mga indibidwal na salita
Teoryang Behaviorist
--nakasaad dito ang reyalidad sa lipunang ginagalawan ng tao ang siyang pangunahing tagahubog ng kanyang mga kilos o pag-uugali—B.F. SKINNER
IDEATION
--masusing hinahabi o ipinoproseso ng utak ng mga ideya upang maisalin sa patutunguhan ang isang mensaheng nabuo
--pagpili ng mga paraan upang maihatid patungo sa destinasyon ang nabuong mensahe
CIRILO F. BAUTISTA
--may-akda ng “The Beneficent of Doublespeak” sa kanyang kolum sa “Panorama” na nagpapaliwanag kung bakit likas ang pagkahilig sa eupimismo ng mga Pilipino.
Tatlong Uri ng Doublespeak Ayon kay William Luntz
1. Eupimismo/ Euphemism
--tumutukoy sa pagiging malumanay sa paggamit ng wika upang maiwasang makapanakit ng damdamin ng kapwa
2. Jargon
--isang propesyonal na lenggwahe na nadebelop mula sa pangangailangan ng isang tiyak na propesyon tulad sa larangan ng negosyo at akademya
--tumutukoy sa mga termino o parirala na eksklusibo lamang para sa isang tiyak na grupo
3. Gobbledygook/ Bureaucratese
--tumutukoy sa espesyal na lenggwahe na ginagamit upang pagandahin at pabanguhin ang imahen ng mga pulitiko sa tuwing nakagawa sila ng kapalpakan o masasangkot sa mga anomalya
Paraan ng Pagbibigay Motibasyon sa Madla—Peter J. Daniels
1. Kawalan ng Mapagpipilian
2. Paggamit ng Pansariling Interes
Personal ng Interes—tumutukoy sa bayolohikal na pangangailangan ng tao upang mabuhay; nagtutulak sa isang indibidwal upang proteksyunan ang sarili at bigyang prayoridad nang personal na pangangailangan
Pagiging Makasarili—paghahangad ng labis-labis hindi lamang upang mabuhay kundi upang higitan sa anumang aspeto ang kanyang kapwa
Hal. “Kailangan natin…” “mahalaga para sa atin…”
3. Paggamit ng Kaalaman
--maaaring isang kwento o pangyayari na lantad sa kabatiran ng publiko knug kaya madaling magtagpo ang kaisipan ng dalawang panig
4. May Himig ng Paninisi
--nangangailangan ng kaukulang pag-iingat sa dahilang may kinalaman ito sa personal na emosyon ng tao
hal. “ano ang mararamdaman mo kung…” “Pa’no kung ikaw ay…”
5. Paggamit ng Pananakot
--uri ng negatibong motibasyon; kinakailangan lamang na ipahayag ito na may himig pagmamalasakit; karaniwang maririnig sa mga magulang o guro.
Hal. “Ganito ang mangyayari kung…” “Maari kang mapahamak kapag...
6. Pambubulabog ng Konsensya
--mayroon ding himig ng paninisi kaya kailangan ang ibayong pag-iingat at dapat nasa tamang tyempo o pagkakataon ang paggamit nito
hal. “Huwag mong hayaan…” “Hahayaan mo na lang ba…”
COMMUNICATIVE COMPETENCE
--ang kaganapan ng pagiging manunulat ay ang makapaghatid ng mensahe sa paraang mauunawaan ng publiko—DEL HYMES
“THE GREATEST SECRET IN THE WORLD” ni Og Mandino
--naghain ng panukala kung paano dapat mangusap ang isang tao…
(pp.48-49) =P
“WHY WORRY” ni Dr. K. Sri Dhammananda
--nagsabing ang labis ang kadalasang pinagmumulan ng panganib…
Paraan ng maling pagsasalita ayon kay Buddha:
1. Pagsisinungaling
2. Panlilibak—paglalagay ng salit sa bibig ng ibang tao
3. Marahas na pagsasalita—tumutukoy din sa taong mahilig mang-akusa o likas na mapagbintang
4. Walang katuturang pahayag—tumutukoy sa mga taong ginawa nang libangan ang paglulubid ng buhangin sa tuwi-tuwina; may masabi lang..
KAHULUGAN NG MGA SALITA
1. Kahulugang Konotatibo
--tumutukoy sa ekstrang kahulugang taglay ng isang salita depende sa intension o motibo ng taong gumagamit nito
--tinatawag na “emotional” o “intellectual” na impact ng salita
2. Kahulugang Denotatibo
--nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhektibong kahulugan ng mga termino; “dictionary meaning”
--literal na kahulugan ng salita na labas sa anumang emosyonal, politikal o etikal na insenwasyon na maaaring ikapit sa isang salita
LEBEL NG LENGGWAHE
Pornal na Lenggwahe
--wikang ginagamit sa seryoso at komplikadong paksa kung saan kinakailangan ang maselan na lenggwahe
--ginagamit upang maging personally involved ang tagapagsalita o manunulat sa kanyang paksa
--nagtataglay ng paggalang at gamitin sa akademya, propesyon at liham pangangalakal
Impormal na Lenggwahe
--kaswal ang gamit ng wika at nasa himig ng pakikipag-usap lamang na gamit ang pang-araw-araw na lenggwahe at di ito particular sa batas ng gramatika.
Lebel ng Wika Ayon kina Maxine Hairston at John J. Ruszkiwiez
àMasyadong Pormal
àLegal na Dokumento
àArtikulong Sayantipik
àTalumpating Pampulitika
àSermon
àEditoryal at Kolum sa Pahayagan
àPopular na Artikulo sa Magasin
àPampersonal na Sulatin/Diary/Journal
àLiham Pangkaibigan
àMasyadong Impormal/Kolokyal o Kaswal
Pormal ang gamit ng lenggwahe kapag…
· Mahahabang pangungusap o talata
· Abstrakt ang mga salitang ginamit
· Minimal ang gamit ng pandiwa
· Seryoso ang tono ng manunulat
Impormal ang gamit ng lenggwahe kapag…
· Maiiksing pangungusap at talataan
· Paghahalo ng abtrakt at konkretong pangalan
· Hitik sa mga personal na panghalip at pandiwa
· May himig na seryoso at kaswal
Komunikasyong BERBAL
--ang talastasang nagaganap sa pagitan ng mga tao gamit ang mga salita
--anumang gawain ng paghahatid ng mensahe na ang ginagamit ay ang wika.
Komunikasyong DI BERBAL
--tinatawag na kilos at galaw, facial reaction, pagtaas ng kilat, pagsimangot, pagkunot ng noo, atbp.
--hindi ginagamitan ng wika
Nahahati ito sa tatlo ayon kina WELDON KRIS at JURGEN RUESCH:
1. Sign Language—tumutukoy sa kumpas, senyas, kumpas o galaw ng kamay bilang pamalit sa salita
2. Action Language—pagbibigay interpretasyon sa kinikilos ng tao
3. Object Language—paggamit ng material na bagay sa pagpaparating ng mensahe
MALINAW NA PAHAYAG/ KOMUNIKASYON
Ang palatandaan ng isang malinaw na komunikasyon ay ang pagtugon o pagsunod nito sa tamang organisasyon ng paghahanay ng mga kaisipan at ideya kung saan dapat isaalang-alang ang mga sumusunod:
1. Kaisahan/ Unity—iisa lamang ang paksang tinatalakay upang malinaw na mailahad ang kaisahan ng mga ideya sa pagbuo ng mga pangungusap at talata
2. Pagkakaroon ng Ugnayan/ Coherence—tumutukoy sa pagkakaugnayan ng talata sa loob ng isang komposisyon
3. Diin/ Emphasis—tinatawag na “kernel sentence”, “thesis statement”, o nangingibabaw na kaisipan sa bawat talata na maaaring nasa unahan o hulihang bahagi
Paraan ng Pagbibigay-Diin Ayon kina Casanova at Rubin:
· Paglalagay ng punong kaisipan sa unahan ng talata, sa hulihan o dili kaya’y sa unahan at sa hulihan.
· Pagbibigay ng malaking bahagi ng mga higit ng makabuluhang detalye
· Pag-uulit ng punong kaisipan sa naiibang mga salita o paraan
· Pagkakaroon ng patas na damdamin patungo sa kasukdulan, pag-aayos ng mga detalye mula sa di gaanong mahalaga patungo sa higit na mahalaga
“Ang wika ay sumusunod lamang sa lakad ng mga bagay. Kapag nagbago ang bagay, nag-iiba rin ang wika”—P.L. STRAWSON
**Kailangan ang iba’t ibang gamit ng wika para sa iba’t ibang uri ng tagapakinig o sa bawat magkaibang pagkakataon
**Ang wikang ginagamit sa pagpapahayag ay dapat na iniaangkop sa uri ng tagapakinig o mambabasa
Kailan masasabing kaswal ang gamit ng lenggwahe?
· Maikli ang pagkakabuo ng mga talata at pangungusap
· Gumagamit ng mga eksaherasyon
· Sagana sa mga personal na panghalip
· Pagbanggit sa ngalan ng iba’t ibang personalidad
· Katatagpuan ng mga salitang balbal
· Hindi gaanong seryoso ang atake sa paksa
· Taglay ang entertainment value at pagiging impormatibo
PRINSIPYO NI PETER J. DANIELS SA PAGBUO NG ISTILO
1. Tiyaking maayos ang simula.
2. Lumikha ng kapanabikan.
3. Pulsuhan ang madla.
4. Bigyang dramatisasyon ang mga katotohanang ginamit.
5. Ang pagbibigay diin na sinusundan ng pananahimik ay umani ng positibong pagtugon.
6. Ilahad ang mensahe punto por punto.
7. Maging maugnayin
KOMUNIKASYONàtawag sa paghahatid at pagpapalitan ng mga ideya; kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang simbolo.
àpagpapalitan ng ideya, opinyon o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat o pagsenyas.
Uri ng Komunikasyong BERBAL ayon kay Carmelita S. Lorenzo
1. Komunikasyon Pasalita—isinasagawa nang pabigkas tulad ng pakikipag-usap nang harapan ng dalawang tao, pakikipagpulong ng isang pinuno sa kanyang mga tauhan .. etc
2. Komunikasyong Pasulat—pakikipag-unawaan o pakikipagpalitan ng ideya o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat. Hal. Telegrama, memorandum, pahayagan.. etc.
4K’s sa Mabisang Pagsulat
1. KALINAWAN—tiyak at madaling mauunawaan ang mga gagamiting salita; maging direct to the point at iwasan ang pagiging maligoy sa pagbubuo ng kaisipan
2. KAISAHAN—tumutukoy sa pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa loob ng isang pangungusap gayundin ng mga ugnayan ng mga ideya sa loob ng pahayag
3. KAIKLIAN—taglay lamang ang mahahalagang datos na may kaugnayan sa paksang tinatalakay
4. KAWASTUAN—laman lang ay tunay na detalye at impormasyon
Paano Makabubuo ng Mahusay na Kasanayan sa Pagsusulat?
1. Gawing kawili-wili ang pagsusulat
2. Magsulat nang magsulat
3. Ibahagi ang mga mahuhusay na naisulat
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsusulat
1. Maging malinaw sa mga layunin at ilahad ito.
2. Ipaliwanag kung ano ang nais maing tugon sa mambabasa.
3. Sikaping magtaglay ng kredibilidad ang sulatin at nagpapakita ng pagkamagalang sa mga mambabasa.
4. Gumagamit ng angkop na pamamaraan ng komunikasyon
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpapahusay sa Komunikasyong Pasalita
1. Pagsaalang-alang sa tagapakinig
2. Paghahanay at pagbubuo ng mga impormasyon
3. Pagsasaalang-alang sa pamamaraan ng masining na pagbigkas
4. Maayos na pagpili sa mga salitang gagamitin
5. Bumuo ng dayalogo sa pagitan ng tagapagsalita at ng mga tagapakinig
· Direktang katanungan
· Makatawag-pansing pahayag
· Karanasan
· Anekdota o biro/joke
· Demonstrasyon
6. Paggamit ng kilos at kumpas
DISKORS
--pagpapahayag ng ating iniisip at pagtugon sa ipinahhayag ng iba …
PARAAN NG DISKORS
A. Naratibong Pagpapahayag o Pagsasalaysay
--isang paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay ng mga pangyayari ay may layuning magkwento.
--pinakamatandang anyo ng pagpapahayag, nagsisimula sa mga alamat, epiko at mga kwentong bayan
pinagkukunan ng paksa: sariling karanasan, narinig, nakita, nabalitaan, kathang isip
B. Deskriptibo Pagpapahayag o Paglalarawan
--layon ay bumuo ng isang hugis o anyo ng isang tao, pook, pangyayari sa pamamagitan ng mga angkop at piling-piling salita
Uri ng Deskriptibo
· Karaniwan/Ohektibong Paglalarawan—di kasangkot ang damdamin at opinyon ng manunulat; nakikita ng mata
· Masining/Subhektibong Paglalarawan—kung ginagamitan ng mga tayutay na naglalayong pukawin ang guniguni ng mambabasa sa tagapakinig
C. Ekspositori o paglalahad
--layon ay magbigay kaalanan, magpaliwanag at tumugon sa pangangailangang pangkarunungan
Sanaysay—malimit na gamitin dahil dito’y naipapahayag ng isang tao ang kanyang kuro-kuro hinggil sa paksa; kinapapalooban ng palagay ng sumulat ng paksa
Pangulong Tudling—isang kuru-kuro ng patnugot ng pahayagan hinggil sa isang mahalagang balita; layunin nito ang mamamatnubay sa mga kuru-kuro ng madla at magbigat isyu o ng impormasyon
D. Argumentatibo o Pangangatwiran
--naghaharap ng patotoo o ebidensya upang ang isang proposisyon o paniniwala ay maging katanggap-tanggap sa iba; nahihimok natin ang iba na kumilos ayon sa nais natin
Mga Komposisyong PERSONAL
1. Talaarawan
--pagsulat ng ating masasayang sandali ng buhay, pati na rin ang kalungkutan o pagsubok ng buhay; naglalapit sa atin nang higit sa Dakilang Lumikha
2. Awtobayograpiya
PANITIKAN o LITERARI
--bungang isip na isinatitik; sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa wastong ikauunawa sa kahapon, ngayon at bukas ng isang bansa—RUFINO ALEJANDRO at PONCIANO BP. PINEDA
--anumang nasusulat sa anyong tuluyan o patula sa isang particular na panahon, lalo na yaong nasusulat bunga ng imahinasyon at kritikal na pag-iisip, nagtataglay ng permanenteng kahalagahan o balyu at nagbibigay ng mabuting epekto sa damdamin—WEBSTER
1. NOBELA
--tinatawag ding kathambuhay; mahaba kaysa sa maikling kwento, kinasasangkutan ng kawili-wili at masalimuot na pangyayaring sumasaklaw sa isang mahabang panahon
2. DULA
--naglalarawan ng mga pangyayari sa buhay ng tao sa pamamagitan ng mga tauhang gumaganap sa ibabaw ng entablado. URI NG DULA: komedya, melodrama, trahedya, parsa at saynete
3. MAIKLING KWENTO
--ang mga pangyayari ay payak lamang, may mga kilos na organisado, may tunggalian ng mga tauhan, may banghay, may kasukdulan at may kakalasan o wakas
4. SANAYSAY
--naglalahad at tumatalakay sa isang paksa ayon sa sariling pananaw at kuru-kuro ng may-akda; isa sa pinakamadaling isulat sapagkat sariling opinyon lamang ito ng manunulat
5. KOMIKS
--kwentong isinalarawan na nakapagpapalibang sa mga mambabasa
6. TULA
--nagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng mga piling salita na maaaring may sukat at tugma, talinghaga at kariktan at maaari namang wala
7. AWIT
--tula na nilapatan ng himig at musika, inawit at pinatatanyag ng isang mang-aawit na nagpapasalin-salin sa mga dumarating na henerasyon
MGA PANANALIG O TEORYANG PAMPANITIKAN
1. Romantisismo—higit na nangingibabaw ang damdamin ng mga tauhan kaysa isipan
2. Realismo—pinalulutang ang katotohanang nangyayari sa tunay na buhay
3. Simbolismo—pamamaraan ng paglalahad ng mga bagay, kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng mga sagisag
4. Eksistensyalismo—hinahanap ang kahalagahan ng personalidad ng tao at ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran
5. Feminismo—nagbibigay-diin sa karanasan at kakayahan ng mga kababaihan
6. Naturalismo—pananalig na mailarawan ang kalikasan nang buong katapatan, kaya’t malimit na maipagkamali sa realismo
7. Modernismo—tumutukoy sa paghihimagsik sa isang tradisyon, relihiyon, kaugalian, o paniniwala upang magkaroon ng puwang ang mga pagbabago
8. Idealismo—paniniwala sa pinakamahusay na dapat gawin
9. Klasismo—pinangingibabaw ang isipan laban sa damdamin
10. Moralistiko—ipinalalagay na may kapangyarihang maglahad ang akda
11. Marxismo—hindi lamang sa larangan ng pagsusuri ang sinasaklaw nito kundi gayundin ang larangan ng kultura, pulitika, ekonomiya at pilosopiya
12. Surealismo—pangingibabaw sa pananalig na ito ang katotohanan sa kabila pa ng katotohanan
PAGSUSURI BATAY SA BISA
1. Bisa sa Isip
2. Bisa sa Damdamin
3. Bisa sa Kaasalan
4. Bisa sa Lipunan
BAGO MAGSULAT …
1. Bumasa
2. Magsanay
3. Pagbibigay pagkakataon/pagtuturo sa sarili
4. Tumuklas ng mga papaksain at bigyan ng paglinang
5. May layunin ang manunulat di lamang para sa kanyang sarili at higit sa lahat para sa kanyang mambabasa
6. Magplano
7. Magbalangkas
8. Porma ng susulatin
Hakbang sa Pagsulat ng Talambuhay (Lincoln at Suid)
1. Pagpili ng paksa
2. Pagpasyahan ang mga bahagi ng paksa na ibig saklawin
3. Gumawa ng balangkas hinggil sa gagawing pananaliksik
4. Pagsasagawa ng pananaliksik
5. Planuhin ang pagsulat ng talambuhay
6. Simulan na ang pagbabalangkas at pag-eedit ng naisulat na talambuhay
7. Pangwakas na pagsulat
Mga Maaaring Paghanguan ng Paksa ng Isang Sulatin
1. Karanasan
2. Nakita o Nasaksihan
3. Narinig
4. Nabasa
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat
1. Isipin kung ano ang bago
2. Kaalaman sa paksa
3. Iwasan ang pagiging maligoy
4. Iugnay ang mga kaganapan sa paligid sa paksang tinatalakay
Papel na ginagampanan ng manunulat sa lipunan (Casanova & Tiamson)
1. tagapamulat ng isipan at damdamin ng kanyang panahon
2. tagapagturo
3. tagapukaw ng isipan at damdamin ng madla
4. taga-aliw
Istilo ng Pagsulat
1. Personal
2. Kumbersisyunal o nakikipag-usap lamang
3. Sarkastiko
4. Nagtatanong
5. Salungatin
Paraan sa Pagbuo ng Panimula
1. Pagtatanong
2. Paggamit ng tuwirang sipi
3. Pagbibigay diskripsyon
4. Pagbibigay dipinisyon
5. Paggamit ng anekdota
6. Paggamit ng analohiya
7. Paggamit ng isang panawagan
8. Pagpapaliwanag ng paksa
9. Pagpapaliwanag sa sariling opinyon o paniniwala
10. Paggamit ng dayalogo
Paraan ng Pagbuo ng Gitnang Bahagi ng Sulatin
1. Pag-uuri
2. Pag-aanalisa
Paraan ng Pagbuo ng Wakas
1. Pag-iiwan ng katanungan
2. Pagbubuo
3. Paghihinuha
4. Pagrerekap
5. Pagbibigay ng siping pahayag (quotation)
Pinagkukunan ng tao ng kanyang mga isasalaysay (Casanova & Rubin)
1. karanasan
2. mga nabasa
3. mga napakinggan
4. mga naitala
Hakbangin sa Pagsulat ng Sanaysay
1. paksa
2. banghay
3. tauhan
4. tagpuan
Sanaysay
--akdang pampanitikan na nauuri sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kinapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa—JOSE ARROGANTE
--pagsasalaysay ng
isang sanay sa pagsasaysay—ALEJANDRO ABADILLA
Uri ng Sanaysay
1. Pormal o maanyo
2. Di-Pormal o di-maanyo
4 comments:
galing tlaga,dko kailnganng mg punta ng library kasi andito na lahat exceot dun sa kasaysayan ng retorika sa panahon ng klasikal,gitna at modernong retorika..
Naappreciate ko to,sad thing is hindi napasama ung report ko..but it's ok!!!
Thanks po, di na kaylangan ng maraming tab andito na halos lahat.....
Ang galing!!
Post a Comment