A. INTRODUKSYON
Ang pagbasa ay isang mahalagang aspekto ng wika. Ito ay pinangungunahan ng pakikinig at sinusundan ng pagsulat. At bilang bahagi ng papa-unlad ng salik sa pakikipagtalastasan, ang mga guro ay may mahalagang katungkulan upang lubos na mabigyan ng pagpapahalaga ang ibang aspekto gaya ng pakikinig, pagsasalita, at pagsulat. Sila ay lubos na nagkakaisa sa paniniwalang mas magiging mabilis at madali na maunawaan ng mga mag-aaral ang wastong paraan ng pagbasa. Gayunpaman, malaki ang kaugnayan ng pakikinig sa pagsasalita, pagbasa, at maging sa pagsulat. Sa pagsasalita ay gumagamit ng mga kakayahan sa pagbasa gaya ng pagbibigay kahulugan sa mga salita, pag-iisip ng maayos, at mabisang haka-haka. Sa pamamagitan naman ng pakikinig, natatamo ng isang mag-aaral ang mga kaisipang kanyang nagagamit sa pag-unawa ng mga ibat-ibang babasahin. Samakatuwid, nagkakaroon ang isang mag-aaral ng ideya hinggil sa kanyang binabasa na makatutulong upang maayos niyang maipaliwanag ang ibig niyang ipakahulugan.
Ang pagbasa ay umaantig ng damdamin, bumabago ng saloobin, layunin sa buhay, at nagsisilbing lunas sa mga suliranin at maging sa mga kahinaan. Ang pagbasa ay gintong susi na magbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kaalaman
B. PARAAN NG PAG-AARAL
Layunin ng mga mananaliksik na malaman ang antas ng pasalitang pagbasa sa wikang Filipino ng mga piling mag-aaral sa Ikalawang Baitang sa Mababang Paaralan ng Banlic, Banlic, Calamba, Laguna, Panuruang Taon 2008 – 2009.Hangad ng mga mananaliksik na mabatid ang propayl ng mga mag-aaral at kaugnay ng mga ito sa kanilang pasalitang pagbasa ayon sa batayang pagkilala ng mga salita kung may kaugnayan sa kahinaan sa pasalitang pagbasa ng mga batang sangkot ayon sa kanilang kasarian, edukasyong natamo ng mga magulang, at hanapbuhay ng kanilang mga magulang at ang mga implikasyong pang edukasyon.
MGA KATANUNGAN:
• Sa papaanong paraan matutulungan ang mga batang mag-aaral na magkaroon ng kakayahang bumasa?
• Anong mga kasanayan ang nararapat bigyang-pansin o bigyang-diin upang malinang ang mga mag-aaral sa pag-aaral ng wikang Filipino?
• Saan nagmumula ang mga kaalaman ng mga magaaral na nararapat lumilinang sa edukasyon?
• Ano ang kaugnayan ng mga propayl ng mga mag-aaral sa kahinaan sa pasalitang pagbasa?
• Anu-ano ang mga kahalagahan ng pag-aaral na ito sa mga magulang, guro,punong-guro, gayundin sa mga mananaliksik?
• Anu-ano ang mga implikasyon nito sa edukasyon?
C. SALIGANG TEORETIKAL
Ito ang pangunahing kaalaman sa iba’t-ibang larangan sa buhay. Ang kasaysayan ng tao, ang kanyang paglikha, panlulupig, pananagumpay, mga mithiin, mga pagnanasa, at maging pag-asa sa hinaharap ay napapaloob sa mga aklat. Kung gayon, ang kakayahan sa pagbasa at wastong pagsasalita ay nagsisilbing ugat ng karunungan. Ang karunungang ito’y magiging daan tungo sa pagtuklas ng marami pang kaalaman na magsisilbing gabay at susi sa isang maayos na komunikasyon.
Ayon kay Terrado, (2000), ang pagbasa ay isang kakayahang kumilala at umunawa ng mga nakalimbag na simbolo ng talasalitaan ng mga batang mag-aaral sa pagsasalita. Ito ang kasunod matapos malinang ang kakayahan sa pakikinig at pagsasalita sa paglinang ng wika.
Kasabay din nito, lubos na mauunawaan ng mga mag-aaral kung ano nga ang ipinaaabot ng kanilang binabasa.
Ayon kay Yonson, (2001) ang karunungan ay lalong mapapalawak sa pamamagitan ng pag-eehersisyo ng utak, sa sa pagbasa ta pagsulat. Ito ang mabisang paraan din upang higit na tumalas ang memorya ng isang tao. Ang utak ng mga bata ay maraming “neurons” na halos walang limitasyon sa pagtuklas ng karunungan. Kung gayon, malaki ang maitutulong ng pag-iisip sa pagbasa at pagsasalita dahil ito ay nagpapalawak ng kaalam ng isang mag-aaral.
Ayon naman kay Saucer (mula kay Ranco 2002), ang kasanayan sa pagbasa ay isang batayan upang ang mga mag-aaral ay magtagumpay sa kanilang pag-aaral. Ang pagbasa bilang kasangkapan sa pagtuturo ay siyang susi at katunugan kaya dapat maging layunin na matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng kakayahang bumasa. Matutulungan silang magkaroon ng kawi-wiling pagbasa at mapatunayan na ang pagbasa ay isang paraan ng pagkatuto.
Bawat mag-aaral ay nakakaranas ng tagumpay at kabiguan. Alam ng lahat na hindi laging nagtatagumpay ang mga bata sa kanilang mga gawain, subalit kapag ang isang suliranin ay nalutas, masasabing nagtagumpay sila sa pagkatuto.
Ang pagbabasa naman ng mga aklat ay kailangang pasiglahin mula sa kamusmusan, lalo’t higit ang pasalitang pagbasa na makatutulong para mapayabong ang talasalitaan ng mga batang mag-aaral.
D. SALIGANG KONSEPTWAL
Sang-ayon kay Barsaga (2001), madaling malaman kung ang isang bata ay mahina o may kapansanan sa pagsasalita sa pamamagitan ng impormal na imbentaryo sa pagbasa. Ang paraan ng mga mananaliksik ay alamin ang mga kamalian o kahinaan sa pagkilala ng mga salita tulad ng pag-uulit, pagdaragdag, pagkakaltas, maling pagbigkas, at hindi pagpansin sa bantas sa pasalitang pagbasa sa Wikang Filipino.
Isa sa kasanayang nararapat bigyan ng pansin o ibayong diin sa pagtuturo ng Filipino ay ang pagbasa at pagsasalita. Ito ang magiging susi sa kasanayan sa ikauunlad na matuto ang mga bata. Kailangan din ng mga guro ng sapat na edukasyon na syang magsisilbing gabay sa pagkatuto ng mga mag-aaral (Yarcia 2000).
Dito nagmumula ang kaalaman ng mga mag-aaral na nararapat lang na may maayos na edukasyon ang isang guro ng sa gayon malaki ang maibabahagi nito sa kanyang mga mag-aaral.
“The good teacher is one who inspires his or her pupils to learn. He or she is enabler and involver and not just explainer”.
Isinasaad pa rin dito na ang guro ay may responsibilidadsa kanyang propesyon. Responsibilidadng guro na mapanatili ang mataas na pagtingin at mabuting pag-uugali upang patuloy na mapaunlad ang kanyang propesyon.
“Teacher therefore should be competent in their work. They should be committed, and if they are committed, they show love and concern for their school children”.
Kung gayon, ang mga guro ay marapat na magkaroon ng kakayahan sa larangan ng pagtuturo. Sila ay dapat ding magkaroon ng pagpapahalaga at pagmamahal sa kanilang mga mag-aaral upang ang layunin ng paaralan para mapaunlad ang mga salik sa pagpapahayag at pakikipagtalastasan, lalo na sa pasalitang pagbasa ay maisakatuparan.
Ang kasalukuyang teorya ang pinagbatayan ng pag-aaral (DECS) o (DEPED Order No. 54 Seksyon 1987 – Implementing Guidelines for Policy on Bilingual Education):
1. Filipino ang ginagamit ng mga guro sa asignaturang Sibika at Kultura, Kasaysayang Heograpiya at Sibika, Musika/Sining at Edukasyong Pampalakasan, Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan at Edukasyon sa Kagandahang Asal at Pag-uugali:
2. Ang panukalang Konstitusyon ng 1986 tungkol sa Wikang Pambansa ay nagsasaad
ng Kaukulang Tadhana. Artikulo XIV Seksyon 7 ukol sa Wikang Layunin ng Komunikasyon at Pagtuturo. Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggang walang itinatadhana ang batas, Ingles. Sa kasalukuyang patakaran ng edukasyon, ang mga wikang ito ay binibiguang-diin sapagkat ito ang ating wikang panlahat na nagbubuklod at nag-ugnay sa mga mamamayan. Upang maging matagumpay ang paglaganap ng wika, kailangan itong maibatay sa layunin ng isang malayang bansa. Ang ginawa ng lingguwaheng konstitusyonal ay binibigyan ng bagong pangalan ang wikang matagal ng nasa dila ng sambayanan. Samakatuwid. Filipino rin sa Pilipino.
E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Lubhang maraming sagabal sa paglinang sa karunungan ng mga bata lalo’t higit sa pagbasa. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang mga kahinaan o kamalian sa pasalitang pagbasa sa Wikang Filipino ng mga batang mag-aaral sa IKalawang Baitang ng Mababang Paaralan ng Banlic.
Hangad ng mananaliksik na mabigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa:
a. Kasarian
b. Edukasyong natamo ng mga magulang
c. Hanapbuhay ng mga magulang
2. Ano ang mg kahinaan o kamalian ng mga mag-aaral sa pasalitang pagbasa ayon sa batayang pagkilala sa mga salita?
3. Ano ang kaugnayan ng propayl ng mga mag-aaral sa kahinaan sa pasalitang pagbasa?
4. Anu-ano ang mga implikasyon nito sa edukasyon?
TALAHANAYAN BILANG 1
PARADIMA NG PANANALIKSIK
BATAYAN
Propayl ng mga bata
ayon sa:
• Kasarian
• Edukasyon ng magulang
• Hanapbuhay ng magulang
Resulta ng pagsubok sa
pasalitang pagbasa sa
Wikng Filipino sa
Ikalawang Baitang.
PROSESO
ayon sa:
• Kasarian
• Edukasyon ng magulang
• Hanapbuhay ng magulang
Resulta ng pagsubok sa
pasalitang pagbasa sa
Wikng Filipino sa
Ikalawang Baitang.
PROSESO
Paggamit ng
Talatanungan tseklist
at pagsubok sa
pasalitang pagbasa
upang malamn:
• Ang kahinaan o kamalian sa pasalitangpagbasa
• Pagkilala sa salita ayon sa batayan:
~pag-uulit
~pagdaragdag
~pagkakalltas
~maling pagbasa
~hindi pagpansin sa
bantas.
KINALABASAN
Talatanungan tseklist
at pagsubok sa
pasalitang pagbasa
upang malamn:
• Ang kahinaan o kamalian sa pasalitangpagbasa
• Pagkilala sa salita ayon sa batayan:
~pag-uulit
~pagdaragdag
~pagkakalltas
~maling pagbasa
~hindi pagpansin sa
bantas.
KINALABASAN
• Magkaroon ng
kasanayan sa pagbasa
• Wastong pamamaraan sa pagbasa
Ipinapakita sa unang bloke ng paradima ang mga kinakailangang batayan sa pagbuo ng mga paksang tutklasin sa pag-aaral na ito, tulad ng propayl ng mga mag-aaral na tagasagot ayon sa kanilang edad, kasarian, edukasyong natamo ng magulang, hanapbuhay ng magulang. Ang datos na makukuha sa propayl na ito ay may malaking kinlaman upang matukoy kung may pagkakaiba ang edad at kasarian ng isang mag-aaral ayon sa kanyang pasalitang pagbasa.
kasanayan sa pagbasa
• Wastong pamamaraan sa pagbasa
Ipinapakita sa unang bloke ng paradima ang mga kinakailangang batayan sa pagbuo ng mga paksang tutklasin sa pag-aaral na ito, tulad ng propayl ng mga mag-aaral na tagasagot ayon sa kanilang edad, kasarian, edukasyong natamo ng magulang, hanapbuhay ng magulang. Ang datos na makukuha sa propayl na ito ay may malaking kinlaman upang matukoy kung may pagkakaiba ang edad at kasarian ng isang mag-aaral ayon sa kanyang pasalitang pagbasa.
Sa ikalawang bloke ng paradima ay ipinapakita angmga pamamaraang isasagawa sa pananaliksik tulad ng paggamit ng mga talatanungan, tseklist, at pagsubok sa pasalitang pagbasa upang malaman ang kahinaan at kamalian ng pasalitang pagbasa ng mga mag-aaral sa ikalawang baitang.
Nakalagay naman sa huling bloke ang kinalabasan nito. Ang pagkakaroon ng mga kasanayan sa pagbasa at wastong pamamaraan ng pasalitang pagbasa
F. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa maraming kadahilanan:
Sa mga Punongguro. Ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng pananaw sa mga programa at pagpaplano upang sila ay matulungan na malunasan ang suliranin sa kahinaan sa pasalitang pagbsa ng mga mag-aaral.
Sa mga Magulang. Mabibigyan sila ng higit na kaalaman tungkol sa kahinaan sa pasalitang pagbasa ng kanilang mga anak at makatutulong sila sa mga guro na maunawaan ito.
Sila pa rin ang pangunahing tagasubaybay ng mga mag-aaral sa wasto at epektibong pagkatuto ng mga bata sa kanilang pag-aaral ng Wikang Filipino.
Sa mga Guro. Sila ang matitiyagang naghahatid ng mga kaalaman sa mga mag-aaral, nakatutulong ito upang mapaunlad ng kanilang mga kakayahan, kaalaman, at kaasalan.
Sa mga Mananaliksik. Ito ay nagsisilbing gabay sa mga hinaharap na pananaliksik at pag-aaral ng asignaturang Filipino.
G. SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL
G. SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa dalawampung estudyante (20) mag-aaral (binubuo ng sampung (10) lalaki at sampung (10) babae) na nasa IKalawang Baitang at tatlong guro sa Filipino sa Mababang Paaralan ng Barangay Banlic, Calamba City, Laguna, Panuruang Taon 2008-2009. Ang pagsusuring ito ay tumatalakay sa mga kaugnay ng mga propayl ng mga mag-aaral sa kanilang kamalian sa pasalitang pagbasa.
Katawagang Ginamit
Sa ikaaayos ng mga pagpapaliwanag sa araling ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga termino o mga salita na gagabay upang lubos na maunawaan ang mga ipinakakahulugan gaya ng mga sumusunod:
Hindi Pagpansin sa mga Bantas. Ito ay karaniwang kahinaan kung saan nakakaligtaang gamitin o punahin ang mga bantas tulad ng tuldok at kuwit.
Maling Pagbigkas. Ito ay tumutukoy sa di-wastong pagbigkas ng mga pantig o salita sa isang pangungusap o parirala.
Pagdaragdag. Ito ay ang pagsisingit ng mga salita o pantig sa pagitan ng mga pangungusap o parirala.
Pagkakaltas. Ito ay tumutukoy sa karaniwang hindi pagbigkas o pagbabawas ng mga salita habang nagbabasa.
Pasalitang Pagbasa.
Gumagamit ng bibig bukod sa mata kaya may tunog at pagsasalita. Ang pasalitang pagbasa ay karaniwang gimagamit ng mga nag-aaral pa lamang bumasa at kung may tagapakinig na nais makibahagi sa pagpapakahulugan ng mga salitang binabasa.
Wika.
Ito ang lingwahe ng isang bansa (Dictionary English-Tagalog). Ito rin ay kasangkapang tinatangkilik ng mga tao upang magamit sa pakikipag-unawaan sa loob ng pamayanan o bansa, sa palitan ng kuro-kuro, balitaan, pahayagan, pag-aaral, pagsusuri, at pagsisiyasat sa hiwaga ng kalikasan at ng buhay.
1 comment:
Saan po ba na publish to?
Post a Comment