Thursday, June 4, 2009

KABANATA 4: PAGLALAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

      Ang bahaging ito ng pananaliksik ay nagsasaad ng paglalagom,buod ng mga natuklasan, koklusyon, at mga rekomendasyon.

PAGLALAGOM

      Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang mga kahinaan o kamalian sa pasalitang pagbasa sa wikang Filipino ng mga batang mag-aaral na nasa Ikalawang Baitang ng mababang paaralan.

      Hangad ng mga mananaliksik na mabigyang kasagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang propayl ng mga bata ayon sa :

    1.1 kasarian
    1.2 edukasyong natamo ng mga magulang
    1.3 hanapbuhay ng mga magulang
2. Ano ang kahinaan o kamalian ng mga mag-aaral sa pasalitang pagbasa ayon sa                                  batayang pagkilala sa mga salita?
3. Ano ang kaugnayan ng propayl ng mga mag-aaral sa kahinaan sa pasalitang pagbasa?
4. Anu-ano ang mga implikasyon nito sa edukasyon?


BUOD NG NATUKLASAN:  

       Ang resulta ng pagsusuri ay binuod batay sa ipinamahaging talatanungan sa dalawamung mag-aaral sa Ikalawang Baitang ng Mababang Paaralan ng Banlic, Banlic, Calamba City, Laguna, Panuruang Taon 2008-2009.

1. Propayl ng mga mag-aaral ayon sa :

      1.1 Kasarian

      Batay sa pagsusuring isinagawa sa mga mag-aaral mas mataas ang bilang ng kamalian ng mga batang babae kasya mga batang lalaki.

     1.2 Edukasyong natamo ng mga magulang 

     Batay sa pagsusuring isinagawa mas maraming kamailan ang mga batang ang

magulang ay di nakarating o nakatapos ng kolehiyo kasya sa mga batang ang magulang ay nakarating ng kolehiyo.

    1.3 Hanapbuhay ng mga magulang

    Ayon sa pagsusuri at aktuwal na pagpapabasang isinagawa ng mga mananaliksik ang mga batang isa lamang ang magulang na may hanapbuhay. 

2. Ano ang kahinaan o kamalian ng mga mag-aaral sa pasalitang pagbasa ayon sa batayang pagkilala sa salita?

     Batay sa pagsusuring isinagawa sa mga mag-aaral sa Ikalawang Baitang ng Mababang Paaralan ng Banlic, maraming kamalian ang mga bata sa pasalitang pagbasa sa maling pagbigkas ng mga salita sa pangungusap, pagkakaltas ng mga titik sa salita, pagdaragdag ng salita sa pangungusap at pag-uulit ng mga salita sa pangungusap.

3. Ano ang kaugnayan ng propayl ng mga mag-aaral sa kahinaan sa pasalitang pagbasa? 

    3.1 Kasarian

   May mataas na kaugnayan ang kasarian ng mga mag-aaral sa kanilang kahinaan sa pasalitang pagbasa.

   3.2 Edukasyong Natamo ng mga Magulang

     Ang edukasyong natamo ng mga magulang ay may mataas na kaugnayan sa kanilang pasalitang pagbasa.

   3.3 Hanapbuhay ng mga Magulang

    Batay sa pagsusuring isinagawa ng mga mananaliksik may mataas na kaugnayan ang hanapbuhay ng mga magulang.

4. Anu-ano ang mga implikasyon nito sa edukasyon?

   4.1 Kasarian

    Ang kasarian ay may implikasyon sa edukasyon sapagkat ang mga batang babae ay higit na mahilig sa kung anu-anong laro, hindi nila napagtutuunan ng pansin ang kanilang akademikong aralin particular na ang kanilang pasalitang pagbasa. Sa bahaging ito ng pagsusuri napag-alaman na malaki ang implikasyon ng kasarian sa edukasyon.

 
  4.2 Edukasyong natamo ng mga Magulang

    Ang edukasyon ng magulang ay may implikasyon sa edukasyon sapagkat ang mga magulang na may mataas na narating sa larangan ng edukasyon ay mas matuturuan ang kanilang mga anak at nagagabayan sa kanilang pag-aaral sapagkat may mas higit silang kaalaman sa mga bagay na may kinalaman sa makabagong pamamaraan ng edukasyon.

  4.3 Hanapbuhay ng mga Magulang

     Ang hanapbuhay ng mga magulang ay may implikasyon sa edukasyon sapagkat ang pinagkukunan ng kabuhayan o ng kita ng magulang ang siyang tumutugon sa mga pangangailangan pang akademiko o pang edukasyon ng mga mag-aaral.


KONKLUSYON 

     Batay sa pagsusuring isinagawa ang mga sumusunod na konklusyon ay nakuha:

      1. Ayon sa propayl ng mga bata natuklasan na mas maraming kamalian ang mga
batang babae kaysa mga batang lalaki, higit na mataas ang bilang ng kamalian ng batang lalaki, higit na mataas ang bilang ng kamalian ng batang ang magulang ay nakarating o nakatapos ng kolehiyo kumpara sa sa ang mga magulang ay di-nakarating ng kolehiyo at mas madaming kamalian ang mga batang isa lamang sa magulang ang may hanapbuhay.


      2. Ang karaniwang kamalian ng mga mag-aaral sa pasalitang pagbasa ayon sa

batayang pagkilala sa mga salita ay sa maling pagbigkas ng mga salita sa pangungusap, pagkakaltas ng mga titik sa salita, pagdaragdag ng salita sa pangungusap at pag-uulit ng mga salita sa pangungusap at hindi pagpansin sa bantas.

      3. Ang propayl ng mga bata; kasarian, edukasyong natamo ng mga magulang, at hanapbuhay ng mga magulang ay may mataas na kaugnayan sa kanilang pasalitang pagbasa

4. Ang mga implikasyon sa edukasyon ng mga nabanggit na krayterya ay:

     4.1 Pagkakaiba-iba ng kasarian ng mga bata ang siyang smusukat sa kanyang interes at pagtutuunan ng pansin sa kanyang pag-aaral.  

    4.2 Edukasyong natamo naman ng mga magulang ang sumusukat sa gabay at pamamaraan ng pagtuturo na maaari nilang maibigay sa kanilang mga anak, samantalang ang hanapbuhay ang siyang tumutugon sa mga pangangailangang pang-edukasyon ng mga bata.


REKOMENDASYON

       Ang mga sumusunod ay iminumungkahi batay sa mga natuklasan:

       1. Para sa mga gurong nagtuturo ng Filipino lalo’t higit sa mga guro ng Ikalawang Baitang, dapat na magkaroon ng isang kapulungan at magbuo ng mga programang ipatutupad upang magkaroon ng kalinangan ang mga mag-aaral sa kanilang pasalitang pagbasa.

       2. Dapat na magtaguyod ang mga tagapamuno ng paaralan ng isang
malawakang seminar na magbibigay ng kaalaman sa mga guro ng mga kinakailangang kasanayan sa mga guro ng Filipino sa Mababang Paaralan.

      3. Ang mga taga-pamuno ng paaralan ay dapat na tiyakin ang kasapatan ng mga kagamitan sa pagtuturo ng Filipino sa Mababang Paaralan.

     4. Dapat na tiyakin na ang bawat silid-aralan ay maayos upang matugunan ang mga pangangailan ng mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto ng Filipno partikulas sa pasalitang pagbasa.

     5. Ang mga pinuno ng paaralan ay dapat magsagawa ng mga obserbasyon sa mga guro ng Filipino upang matiyak na wasto at sapat ang mga istratehiya o pamamaraang ginagamit ng mga ito upang matiyak ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

7 comments:

Anonymous said...

ganyan po ba talaga ang paglalagom? parang hawig sa layunin?

Anonymous said...

buti na lang nakita ko ito at napag patternan namin, salamat sa nagpost nito.

Anonymous said...

Thnx po

Unknown said...

salamat po for posting,

Anonymous said...

salamat po sa ng gawa niot
kasi ang herap gumawa ng pananaliksik.dhil dito ay maraming ka natututnan.

Anonymous said...

Nkatabang po ito... konti lng :) thanks though

Anonymous said...

big help thanks blogger :)