Sunday, June 21, 2009

multo multo? naniniwala ka ba d2 o kathang isip lamang ang lahat ng ito? REPOST from my another blog

may mga multo nga bang naninirahan sa mansyon ng mga Marcos sa Canlubang? Isang tanong na ang sagot pwedeng oo meron at pwedeng wala,,
naging intresado aq sa naturang mansyon ng mapanood q sya sa Rated K- ABSCBN 2,, para sa UNDAS episode....
nagkataong gagawa kami ng baby thesis or research paper para sa Filipino i decided na un ung kunin kong topic,

and the story starts here..........

it was monday 12pm exactly i went to canlubang,,,nagkita kami ng partner ko sa thesis na c grace andam,,,umalis kami sa terminal ng tricycle (takenote tricycle instead na jeep sa kadahilanang sa umaga lang at sa hapon ang byahe tapos wala pang kasiguraduhan na makakauwi kami in case na wlang masakyan,,, and kung magkano?300.00 lng naman but the condition is hihintayin kami hanggang di kami natatapos ng pagkuha sa mansyon)
until quarter to 1pm umalis kmi ng carmell mall sa canlubang..we travel sa lubak-lubak na kalsada,,naglalakihang mga pabrika,,sa diezmo ata un saka sa casile,,taz ung mga magagandang subd. kasama na ang napakalawak na golf course,,,isang napakalayong paglalakbay ni wala kang masasalubong na sasakyan,,taz medyo paakyat sa bundok ung daanan,,,itinuro sa amin ni mang rudy isang bahay nasa kakahuyan at presto sya na nga ang aming pakay

narito ang ilan sa mga larawang aking unang nakuna pakarating namin sa lugar na iyon:

PUNTAHAN NYO NA LNG PO ITONG LINK NA TO FOR THE PICTURES!

http://jomarlinga.blogspot.com/2009/01/may-mga-multo-nga-bang-naninirahan-sa.html

ang unang bumungad sa amin..ang napakatahimik na mansyon na sa unang tingin pa lang alam mong may milagrong nagaganap pagsapit ng dilim.
habang kumukuha ako ng larawan (video) nakarinig ako ng kalampag ng kadena hindi ko alam kung saan nanggaling,,,napag-alaman ko katagalan ang bantay pala sa naturang mansyon (guard) sa una nagalit siya sa amin partikular na sa akin sa kadahilanang bawal kumuha ng litrato sa kabilang parte ng mansyon kung saan nagtitigil ang Unang Ginang kapag pumupunta doon

nakipag-usap kami sa guard,ipinaliwanag namin sa kanya na kaylangan namin ito sa thesis,,pumayag sya pero napansin niya ang daladala kong video cam na wala akong kaalam-alam na mahigpit iyong ipinagbabawal sa naturang masyon,ang pagkuha ng mga parte ng mansyon,,kinakailangan pa raw na kumuha ng permit sa munisipyo sa ng Cabuyao..

idinaan na lng namin sya sa pakiusap hanggang sa pumayag sya at tumuloy kami sa kabilang bahagi ng mansyon.nakapasok kami sa loob ng mansyon (ikatlong larawan sa itaas)
sa aming pagpasok tumambad sa amin ang napakaraming larawan, mga proyekto ng namayapang c marcos sa kaniyang napakahabang termino, maging ang mga mga adhikain nya sa mga mahihirap nating kababayan, sari-saring larawan na sumasalamin sa makulay at makontrobersyang pamumuno niya, habang nag-iikot ikot kami nakikiramdam aq sa bawat sulok ng silid-tanggapang iyon nakikiramdam aq sa mga kaluskos at inggit ng bintanang walang kurtina.
hanggang sa umakyat kami ng hagdan maraming paintings ang nakasabit sa pader ng hagdan naroon ang nakadipang si marcos at sa kabilang parte ang imahe ng unang ginang na animo isang dyosa..
pinahintulutan aq ng guard na kunan iyon ng video habang nakabantay siya,,
ng aktong kinukunan ko sya biglang lumamig ang paligid bagamat ang bintana ay saraong-sarado bakit nagkakahangin doon, isang napakalamig na simoy ng hangin na nagpatayo ng mga balahibo ko,,,hindi ko pinansin at pinatay ko na ang video cam,pumasok kami sa mga silid doon,,bagamat kakikitaan ng kalumaan naroon pa rin ang mga mamahaling materyales na ginamit sa mga silid doon,,napasok din namin ang magarang silid ng lalaking marcos,isang gintong bathtub ang tumambad sa amin bagamat ang ibang parte nito ay basag basag na sa kadahilanang ninanakaw, maging ang aircon dito ay nawawala na rin
ng nasa huling silid na kami,,umupo ako sa kutson doon habang nagmamasid sa paligid ng silid ng aktong lalabas na ako naramdaman kong may malamig na hangin dumapo sa binti ko,
(naka school uniform po ako nung time na un)
ang hangin alam kong sa ilalim ng kama nagmula at sa kadahilanang nahuli akong lumabas di na ako naglakas loob na silipin kung anumang hangin meron sa ilalim ng kama doon.
bumaba kami ng walang nalaman ang aking dalawang kasama na may nararamdaman akong kakaiba,lumabas kami gamit ang secret way diretso sa kusina ng mansyon
may napansin akong isang maliit na pinto sa lalim ng hagdan daan daw iyon papunta sa basement ng bahay 
(may underground at tunnel po na di nabanggit sa amin kung saan patungo)
hindi kami binigyang pahintulot ng bantay na pumasok pa doon.
lumabas na kami ng bahay at sa likod na parte ng mansyon ako kumuha ng video,
bagamat wala akong nararamdamang kaba, isang katanungan lang ang iniisip ko,anong ibig sabihin ng hangin na nararamdamn ko sa itaas sa kabila ng kalmadong panahon,
naka-usap din namin ang caretaker ng mansyon si aling maria na halos walong taon ng naninilbihan bilang tagapangalaga ng mansyon
siya narin ang nagsabi na may nagpapakita ngang multo doon 
isang babaeng nasaya ng puti na palaging nakabantay sa kabilang parte ng masyon (una at ikalawang larawan sa itaas) sa naturang kanto ng terrace laging nakaupo ang babae ayon kay aling maria
at ang pangalawa ay ang lalaking nakaitim ng suot sa kabilang bahagi ng mansyon kung saan kami nakapsok 
(hindi kaya hininga nya ang nararamdaman kong lamig doon)
base na rin sa kwento ni aling maria ang lalaking multo ang siyang madalas magpakita sa kanya
minsan daw habang naglalakad siya sa harapan ng mnasyon bigla na lang siyang binato ng walis tambo mula sa itaas ng bahay,
(marami pa siyang naikwentong mga nakakatakot na kanyang naranasan doon na katgalan daw ay nasanay na siya)
sa parte ng mansyon ng mahigpit na ipinagbabawal kunan pinasimplehan q ng kuha,,,dito tumambad sa akin ang mga mamahaling gamit na nakadisplay doon flat tv,,,piano maging ang napakalalaking ceramics at ang mga makikintad na kahoy na upuan
sa silid-aklatan nakatambak ang napakraming libro na sya daw binabasa ng mga anak ng mga marcos nung kanilang kabataan pa,
ang huling larawan, sa parteng iyon nagreenactment ng UNDAS episode ang team ng Rated K ni Ms. Korina Sanches
at sa parte ko isang karangalan bagamat isang simpleng rason lng na nakunan ko loob ng mansyon na hindi naipakita sa UNDAS episode ng Rated K.
nasa akin pa rin po ang video,,nakatago bilang isang kayamanan at karanasang hinding-hindi ko makalilimutan
sa mga nakakabasa nito na hindi naniniwala it's up to you guys wether you believe it or not,,
lahat idenetalye ko at yan yung totoong nangyari
hindi na nga po pla natuloy na yan pa rin ang topic namin sa thesis it happen na kaylangan naming magpalit ng topic unang una babalik ulit kami doon,mahal ang pamasahe kase akala namin malapit lng,,pangalawa kawalang ng suportang pinensyal upang magsagawa kami ng pag-aaral to prove na may multo talaga
at sa naranasan ko sa naturang mansyon
babalik pa ko sa lugar na iyon dala-dala ang pasasalamat
at muli nakagawa ako ng ganitong blog
kung saan naging daan upang mailahad ko ang kwento sa naturang mansyon
isang pasasalamat
kina:
anna grace andam (partner sa thesis)
mang rudy (tricycle driver)
guard (nakalimutan ko ang pangalan
aling maria (caretaker ng mansyon)
at sa naglaan ng oras sa pagbabasa


MARAMING MARAMING SALAMAT!

1 comment:

Anonymous said...

Hi jomar, nabasa ko blog mo about Marcos' mansion, I find it interesting. Na sa'yo pa ba video? Is there anyway na macontact kita? E-mail, tel. number or cell number? Please reply asap thanks! Pede mo ko ma-contact through this e-mail: mangalover025@gmail.com