Tuesday, June 23, 2009

Retorika

http://denikleon.multiply.com/

Ayon kay Sebastian(2007), ito ay isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag na kung saan ay tinukoy kung maganda o kaakit-akit ang pagsususlat at pagsasalita. Maaari rin itong tawagin bilang pagaaral o kahusayan ng isang indibidwal sapagpili ng mga salitang gagamitin sa pagsulat o pagsasalita.


* Galing sa salitang "rhetor" (Salitang Griyego) na nangangahulugang "guro" o mahusay na oradr/mananalumpati
.
* Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at epektibong pagsasalita o pagsulat.

* Pag-aaral kung paano makabubuo ng isang kaisipan sa pamamagitan ng mga piling salita at wastong ayaw-ayaw ng mga ito upang maiangkop sa target ng awdyens at matamo ng manunulat ang kanyang layunin.

*Ang kasanayang ito ay natututunan o napagaaralan


Ang isang taong may kahusayan sa retorika ay kadalasan nagkakaroon ng isang magandang impresyon sa kaniyang mga audience o tagapakinig. Halimbawa na lamang ay ang paborito mong awtor ng libro tagapagbalita sa telebisyon. May kasanayan sila na kung saan sila ay ating hinahangaan at maging tinatangkilik ng mga tagapanood.Samakatuwid, ang layunin ng retorika ay maging kaakit akit at epektibo ang isang pahayag.

 

Bilang isang sining

 

Tulad ng awit ang retorika ay may roon ding sining o ibat ibang paraan o estilo na nalinawan sa ating isipan, damadamin at mambabasa.

 

  Isang Kooperativong sining

Hindi maaring gawin ng nagiisa. Sa pamamagitan nito nagbubuklod ang isang tagapagsalita at tagapakinig sa iisan ideya.

  Isang pantaong sining

Dahil sa ang wika ay midyum ng retorika, paslita man o pasulat. Dahil dito, ito ay pagaari ng tao ang retorika ay isa ring siniong at pantao.

 

  Isang Temporal na sining

Ito ay nababatay sa panahon.Ang gumagamit nito ay nangungusap sa lenggwhae ngayon at hindi bukas o kahapon.

 

  Isang limitadong sining

Marami ang hindi ito kayang gawin. Ang retorika ay mayroong sukdulan o hangganan. Dahil maaring imahinasyon lamang ang gamitin sa sining na ito.

 

  Isang may kabiguang sining

Hindi lahat ay may kagalingan sa paghawak ng wika. Ito ay likas na komplikado dahil sa mga tuntunin na pababago bago. Sa iba ito ay nagiging frustrating na karanasan.

 

  Isang nagsusupling na sining

Ito ay dumadami. Ang isang manunulat ay nagsusulat ng isang ideya sa isipan at nagsusupling ng isang akda. At patuloy tuloy na napapasa ang kaalaman sa kaniyang kaisipan.

 

  Saklaw ng retorika

Lipunan

pilosopiya

wika

iba pang larangan

sining


Gampanin

 

  Nagbibigay daan sa komunikasyon

Ano man an gating naiisip, nadarama ay maari nating ipahayag sa pasalita o pasulat na mauunawan ng ibang tao.

Nagdidistrak

Dahil sa ating pakikining o pagbabasa ng mga akda tayo ay nadidistrak at nadadala sa ibang dimesyon na kung saan nakakalimutan natin ang tunay na suliranin ng ating buhay.


Nagpapalawak ng pananaw

Sa ating pakikinig o pagbasa maaaring may natututunan tayong bagong kaalaman na mahalaga. Gaya ng nabanggit, ang retorika ay nagsusupling dahilan upang lumawak ang pananaw natin

Nagbibigay ngalan,

Ang mga bagay sa paligid natin ay dumating ng walang leybel. Dahil sa retorika, halimbawa, ang kamera ay nagging Kodak, ang toothpaste ay nagging colgate.

Nagbigay-kapangyarihan

Dahil sa retorika, napakaraming tao ang nagiging prominente at makapangyarihan. Isa sa mga mahuhusay na na pulitiko o mananumpalati. Si Ninoy Aquino ay isang mahusay na peryodista noong Ikalawang pandigmaang pandaigdig. Ang matatalinong ideya, malalalim na pananampalataya at idyolohiya na naipahayag sa pamamagitan ng retorika ay pinagmulan din ng kapangyarihan at kalakasan.

11 comments:

Caren said...

Thanks.... it helps a lot.

Anonymous said...

TY! i was able to finish my homework with this..

Khier said...

anu bng pdeng halimbawa d2!!??

Anonymous said...

thank you very much!! finally i was able to finish my assignment..

ancine vrythanie said...

thnks a lot

Anonymous said...

etong eto yun . salamat :)

Anonymous said...

pano naging saklaw ng retorika yung lipunan, pilosopiya, wika, iba pang larangan at sining?

dianah pimentel said...

ano meaning ng mg asaklaw ng retorika ??

ClarisSe SeƱeres said...

:) im just curious if whats the difference betweeen Rhetoric and Sophistry? :)) Ill wait for a reply.

Anonymous said...

thanks . it was really great ! :)

Anonymous said...

Anu po yun mga klasikal na kahulugan ng retorika?