Thursday, June 4, 2009

Babasahin ng mga Mag-aaral

Ang mga mananaliksik ay naglaan ng isang teksto na nababatay lamang sa piling mag-aaral sa ikalawang baitang, ito’y magsisilbing gabay sa pagbabasa upang malaman ng mga mananaliksik ang kanilang kahinaan sa pasalitang pagbasa.


SA BUKID

Ang hangin sa bukid
Ay sariwang tunay,
Lalo’t kung umaga
Masarap mamasyal.

Dito ay sagana
Sa lahat ng bagay
Matamis na prutas,
Berdeng-berde ang kulay

Dito’y marami ring
Hayop na alaga;
Sa gatas at itlog,
Kami ay sagana.

Sa malayong bukid
Kaysarap mamuhay;
Mga tao roo’y
May mahabang buhay.



Sanggunian:
  Landas sa Wika at Pagbasa sa Ikalawang Baitang
  Ni: Dr. Lydia B. Liwanag
  Pahina 75


No comments: