Sunday, August 30, 2009

Ang Komposisyon

Ang Komposisyon

Ang simpleng pagsulat ng natatanging karanasan, pagpapakahulugan sa pangyayari, paglalahad ng opinyon, at pagpuna ay ilan lamang sa maituturing na komposisyon.

Mula pa sa elementarya hanggang sa kolehiyo, ang pagsulat ng komposisyon ay isa sa mga kasanayang nililinang. Masasabi kung gayon na ang mga mag-aaral sa pamantasan ay familiar sa pagsulat ng komposisyon.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Komposisyon

Paksa
Pamagat
Panimula
Pangwakas

Iba pang Sangkap na Mahalaga sa Komposisyon

* Kaisahan (Unity)
* Kakipilan/Kohirens (Coherence)
* Pagbibigay Diin (Emphasis)

Ano ang komposisyon at mga uri nito

komposisyon - ang itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagbibigay interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nabasang akda o napanood na pagtatanghal ay nagagawa sa pamamagitan ng pagsulat ng komposisyon.

mga uri nito:

1. Informativ- Naglalahad ng mga makatotohanang impormasyon.
Hal. mga kasaysayan, mga balita

2. Argumentativ- Naglalahad ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.
Hal. mga editoryal

3. Persweysiv- Textong nangungumbinse o nanghihikayat.
Hal. mga nakasulat na ptopaganda sa eleksyon, mga advertisment

4. Narativ- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalayasay
Hal. mga akdang pampanitikan

5. Deskriptiv- Naglalahad ng mga katangian ng ng isang tao , bagay, lugar, pangyayari atbp.
Hal. mga lathalain, mga akdang pangpanitikan

6. Prosijural- Naglalahad ng wastong pagkakasuno-sunod ng hakbang sa paggawa ng isang bagay.




Tuesday, August 25, 2009

Mga Pagdiriwang sa Pilipinas

Maraming pagdiriwang sa loob ng isang taon. Ang mga pagdiriwang sa Pilipinas ay mga pambansang pagdiriwang, mga pansibikong pagdiriwang at mga pagdiriwang na panrelihiyon.  

Mga Pambansang Pagdiriwang

Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaong napakahalaga sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga Pilipino sa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong pambansang pagdiriwang. Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa mga opisina at paaralan ang mga pambasang pagdiriwang.

 

Bagong Taon

Tuwing unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang sinasalubong ito bago maghating-gabi ng Disyembre 31. Masayang sama-samang kumakain at nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng mag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla sa pagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong family reunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-buklod ng pamilya.

 

Araw ng Rebolusyong EDSA

Makaysaysayan ang araw na ito. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero. Ang araw na ito ang naging hudyat ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang nagtungo ang libu-libong mga Pilipino sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo at Camp Crame. Sinuportahan ito ng mga mamamayan. Tinawag itong Rebolusyong EDSA o EDSA Revolution. Tinatawag din itong People's Power Revolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan at Rebolusyon ng Pebrero. 

 

 

Araw ng Kagitingan

Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang nagpapagunita hinggil sa mga matatapang na sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dambana ng Kagitingan ang tawag sa bantayog na ito. Ginugunita ng bansa ang Araw ng Kagitingan tuwing sasapit ang Abril 9. Ipinakita rin dito ang pakakaisa laban sa mga dayuhan.

 

 

Araw ng Mangagawa

Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang mga manggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod sa lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa pagtugon sa ating mga pangangailangan. Tumutulong sila upang tayo'y may pagkain araw-araw, maayos na tirahan, iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay.
 

Araw ng Kalayaan

 Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan mula sa España. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa bantayog ni Rizal. Nag-aalay rin ng mga bulaklak sa iba pang mga bayani. Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal Park. Marami pang inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang na ito. Sama-sama ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito. 
 

 

Araw ng mga Bayani

Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 26 taun-taon. Nag-aalay ang mga Pilipino ng mga bulaklak para sa kanila. May mga palatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw na ito ang mga nagawa ng mga bayani para sa kalayaan at kapakanan ng bansa. 
Mga Pansibikong Pagdiriwang

May iba pang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Kabilang dito ay ang mga pansibikong pagdiriwang. Isinasagawa ang mga ito sa iba't ibang buwan sa buong taon. Ipinakikita rito ang mga katangian at ilang kaugalian ng mga Pilipino. Di tulad ng mga pambansang pagdiriwang na idinideklarang pista opisyal, ang mga pangsibikong pagdiriwang ay karaniwang idinaraos nang may pasok din sa opisina at paaralan sa buong bansa. Gayunman, may ilang lugar na nagdedeklarang walang pasok gaya ng Lungsod Quezon kapag nagdiriwang ng pakakatatag nito tuwing Agosto 19.


 

Araw ng mga Puso

Tuwing ika-14 ng Pebrero ito. Ipinakikita natin sa ating mga mahal sa buhay kung gaano natin sila inaalala. Ipinakikita rin natin ang kahalagahan nila. Marami tayong ginagawang paraan upang ipakita ang ating pagmamahal. Nagkakaisa tayo sa pagdaraos ng pagdiriwang na ito. Nagbibigayn tao ng kard o anumang alaala sa araw na ito. 

 

Linggo ng Pag-iwas sa Sunog

Ipinagdiriwang ang Linggo ng pag-iwas sa Sunog sa buwan ng Mayo. Binibigyang-diin ang mga paraan kung paano tayo mag-iingat sa sunog. Tinuturuan din tayo sa pag-iwas sa sunog. Natututuhan pa natin ang nararapat na gagawin kung may sunog. Kapag may sunog sa ating lugar, nagtutulungan tayo upang mapatay ito. May mga programa pa ang mga barangay na nagpapakita ng mga paraan ng pag-iwas sa sunog. 

 


Araw ng mga Ina/mga Ama

Mga pagdiriwang na pansibiko ang Araw ng mga Ina at Araw ng mga Ama. Tuwing ikalawang Linggo ng Mayo ang pagdiriwang para sa mga ina at tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo ang sa mga ama. Ginugunita natin sa mga araw na ito ang kabutihan ng ating ina at ama. 

 

Linggo ng Wika

Marami paligsahan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito'y mga patimpalak sa pagtula, pag-awit, at pagsusulat ng sanaysay sa wikang Filipino. Karaniwang ipinagdiriwang ito sa ika-19 ng Agosto. Ito ang kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa. Karaniwang nagkakaisa ang buong bansa sa okasyong ito. Binibigyang-diin ang pagmamahal sa ating wika. Pinahahalagahan at pinayayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga Pilipino sa paggamit ng Filipino sa pagpupulong, sa pagsulat, at sa talakayan. 

Araw ng mga Nagkakaisang Bansa

Pagsapit naman ng Oktubre 24, ipinagdiriwang ang Araw ng mga Nagkakaisang Bansa. Ipinakikita ng pagdiriwang na ito ang ang pakikipagkaibigan natin sa iba't ibang bansa sa buong mundo. Pagkakabuklud-buklod ang simbolo nito. Ang Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa ang nagbubuklod upang lubos na magkaunawaan at magkaisa ang mga bansa. Pagtutulungan ang isa pang layon nito. May mga palatuntunan din inihahanda rito. Hindi lamang sa paaralan kundi pati na sa telebisyon at radyo. 

 

Linggo ng Mag-anak

Ito ang araw na ginugunita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng mag-anak at ang pagmamahalan at pagkakaisa ng bawat kasapi nito. 

 

Araw ng mga Guro

Iba-iba ang buwan ng pagdiriwang nito. Dito naman pinahahalagahan ang kabutihan ginagawa sa atin ng mga guro.

Araw ng Maynila/Araw ng Lungsod Quezon

Ginugunita rin ng mga Pilipino ang kanilang lungsod o bayan. Nagkakaiba-iba ng lamang ito ng petsa ayon sa bayani o natatanging Pilipinong ginugunita. Tuwing Hunyo 24 ang Araw ng Maynila. Ika -19 naman ng Agosto ang Araw ng Lungsod Quezon. 


Mga Pagdiriwang na Panrelihiyon

Marami pagdiriwang na panrelihiyon sa Pilipinas. Isinasagawa rin ito sa iba't ibang buwan sa buong taon. Makikita rito ang mga kaugalian at katangiang Pilipino

Pasko

Mahalaga para sa mga kapatid nating Kristiyano ang pagdiriwang ng Kapaskuhan tuwing ika-25 ng Disyembre. Araw ito ng paggunita sa pagsilang ni Jesus, ang Anak ng Diyos ng mga Kristiyano. Misa de gallo o simbang-gabi ang hudyat ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Nagsisimula ito sa ika-16 ng Disyembre. Ang misa de gallo ang magkakasunod na siyam na simbang-gabi hanggang sumapit ang araw ng Pasko. Nagkakaisa ang mga Pilipino sa pagdiriwang nito. Marami ang dumadalo sa misang ito. Sama-samang nagsisimba ang mag-anak dito. 

Pagmamahal sa bawat isa ang mensaheng ipinahahatid sa atin tuwing sasapit ang Pasko. Isang araw rin ito para sa mga mahal sa buhay - mga kamag-anak at mga kaibigan - at pati na rin ng mga kaaway. Kailangang maghatid ang bawat Kristiyanong Pilipino ng kapayapaan hindi lamang sa buong bansa kundi pati na rin sa buong mundo. Kung kaya't dapat tandaan na ang mensahe ng Pasko ay pagmamahal at kapayapaan. Tanda rin ito ng pagkakabuklod ng mga mag-anak. Nagsasama-sama rito o nagkakaroon ng reunion ang mga kasapi ng mag-anak.

Isa pang napakagandang pagdiriwang kung Pasko ang parada ng makukulay at maiilaw na parol na yari sa San Fernando, Pampanga. Dinarayo ng mga turista ang paradang ito. 

 

Ati-atihan

Ito ay pagdiriwang sa Kalibo, Aklan. Tatlong araw ito ng pag-awit at pagsayaw sa mga daan. Nagpaphid ng uling o anumang itim na pangkulay sa buong katawan ang mga sumasali sa parada. Nagsusuot pa sila ng makukulay na kasuotan habang nagsasayaw sa saliw ng tugtog ng mga tambol sa kalsada. Hawak ang imahen ng Santo Niño ng isang ati habang sumsayaw. Sumisigaw naman ng "viva" ang iba sa kanilang pagsasayaw. "Mahabang buhay' ang kahulugan ng salitang viva. 

 

 

Mahal na Araw

Isang napakahalaga at natatanging tradisyon ito ng mga Katolikong Pilipino. Nagkakaisa ang ito sa pagdaraos nito. Karaniwang makaririnig ng pabasa sa baryo, kapilya, at pati na sa mga tahanan na ikinukuwento ang buhay ni Cristo. Penitensiya naman ang tawag sa ginagawa ng mga Pilipinong nagpapasakit o namamanata tuwing Mahal na Araw, Kanilang pinahihirapan at pinarurusahan ang sarilisa pagdadala ng krus o pagpalo at pagsugat sa kanilang mga katawan. Isang prusisyon ng mga rebulto ni Cristo at iba pang santo ang inilalakad sa mga pangunahing daan ng baryo o bayan tuwing Biyernes Santo. Maingay at masayang naririnig ang kampana ng lahat ng simbahan tuwing Linggo ng Pagkabuhay upang ipabando o ipahayag ang muling pagkabuhay ng ating Panginoon.

May isa pang gawaing isinasagawa tuwing Mahal na Araw. Ito ang Moriones ng Marinduque. Isang makulay na kaugalian pang-Mahal na Araw ito. Nagsusuot ng damit ng mga Romanong sundalo at makukulay na maskara ang mga namamanata. 

 

 

Pahiyas

Isang tradisyon din ito. Pinararangalan dito ang santo ng mga magsasaka na si San Isidro de Labrador. Nagkakaisang nagsasabit ang mga taga-Quezon ng mga produktong-bukid at katutubong pagkain sa pintuan at mga bintana ng kanilang bahay. 

Isang Bahagi ng pagdiriwang ng San Isidro ang pagbasbas sa mga kalabaw. Ipinaparada ng mga magsasaka ang kani-kanilang mga kalabaw patungo sa simbahan upang mabasbasan ng pari. Naniniwala sila na malalayo sila at ang kanilang mga kalabaw sa mga sakit at aksidente sa pagbasbas na ito. Isang makulay na pagdiriwang ito na kinalulugdan ng lahat sa Quezon tuwing buwan ng Mayo. 

 

Santakrusan


Ito ang isa pa ring kasayahan. Ang santakrusan ay isinasagawa kung Mayo. Isang prusisyon ito na nagpapakita at isinasadula ang paghahanap ni Santa Elena sa Banal na Krus. Maraming naggagandahang kababaihan sa prusisyong ito na kumakatawan kay Birheng Maria at iba pang mga babaing tauhan sa Bibliya at mga akadang kaugnay nito. 

 

Pista ng Peñafrancia

Isang kapistahan ang idinaraos tuwing Setyembre 17 sa Lungsod ng Naga,Camarines Sur sa rehiyon ng Bicol. Isang prusisyon sa ilog ng mapagmilagrong imahen ng Birhen ng Peñafrancia ang dinarayo sa pagdiriwang na ito. Isinasagawa ang prusisyong ito sa Ilog ng Naga at kalalakihan lamang ang lumalahok. Magandang nilagyan ng palamuti ang trono ng birhen na nasa isang kasko.  

 

 

Araw ng mga Patay o Todos los Santos

Ipinagdiriwang ito tuwing unang araw ng Nobyembre. Ginugunita at pinararangalan ang mga namatay na kamag-anak sa araw na ito. Karaniwang nagtutungo ang mga Pilipino sa sementeryo upang magsindi ng mga kandila, mag-alay ng mga bulaklak at pagkain, at magdasal para sa namatay na mga mahal sa buhay. Nagkakaisa rin ang mga Pilipino sa pagsasagawa ng mga kaugaliang ito. 

 

Ramadan

Isang buwang pagdiriwang ito ng ating mga kapatid na Muslim sa Timog tuwing Marso hanggang Abril. Sama-sama at nagkakaisa rin sila sa pagdiriwang ng okasyong ito. Mahalagang pagdiriwang ito sa kanila. Idinaraos ang kaugalian at tradisyong ito ng mga tagasunod ng Islam sa buong mundo. Nagsusuot ng mahabang belo sa kanilang mukha ang mga babaing Muslim kapag nagtutungo sila sa kanilang mosque. Nangingilin or nag-aayuno ang lahat ng mga Muslim sa mga pagdiriwang na tulad nito. Nagdarasal sila kay Allah na kanilang Panginoon. Ginugunita nila ang pakakahayag o rebelasyon ng Koran kay Mohammmed, ang propeta ng Islam. Nagbabasa pa sila ng Koran. Ang Koran ay banal na aklat ng mga Muslim.

 

Hari Raya Puasa


Pagkatapos ng Ramadan, ipinagdiriwang ng mga kapatid nating Muslim ang Hari Raya Puasa. Isa itong pasasalamat nila. Nagsisimula at ginigising sila ng malalakas na ingay ng mga tambol. Agad silang nagbibihis ng kanilang magagarang kasuotan at nagtutungo sa mosque. Nagdarasal sila ng isang oras. Imam ang tawag sa kanilang pari.



Isang Pagpupugay sa Wikang Filipino Agosto, Buwan ng Wika

 “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang mga tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose P. Rizal na nagbibigay importansya sa kahalagahan ng wika sa buhay ng isang tao.


  Ang wika ng isang bansa ay masasabi natin na kaluluwa ng isang bansa na siyang nagbibigay buhay dito. Ito ay nagsisilbing tulay na siyang nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan nito, ang pagkakaisa at pagkakaunawaan sa bawat tao ay lalong yumayabong. Ito rin ang nagsisilbing susi ng ating pagkakakilanlan, sa pamamagitan nito, nakikilala ng ibang tao kung sino tayo.


  Ang importansya upang lalong paunlarin at palawakin ang ating pambansang wika ay matagal nang binibigyang pansin ng mga namumuno sa ating bansa. Sa Pilipinas mayroon tayong higit sa isang daang klase na lengguahe na ginagamit mula Batanes hanggang Tawi-tawi, ngunit ang pambansang wikang “Filipino” pa rin ang siyang mas malimit na ginagamit at mas naiintidahan sa buong kapuluan.


  Sa ating mayamang salita, madali nating makikita ang iba’t-ibang impluwensya na siyang nakapagbago at humulma sa pagkatao ng mga Filipino. Samakatwid ang wika rin ay maari ring maging batayan ng ating nakaraan at kultura.


  Kaya ang “Buwan ng Wika” ang isa sa mga pagkakataon natin upang ito ay pagyabungin at ipagmalaki. Pagkakataon din ito upang iparating sa ating mga kababayan na ang ating pambansang wika ay hindi lamang para sa pakiki-pagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan bilang isang indibidual at bilang isang bansa.

DEPED NEWS

Linggo ng Wika

Ang Linggo ng Wika ay ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Agosto kada taon sa Pilipinas. Sinasalamin ng selebrasyong ito ang kahalagahan ng Filipino bilang pambansang wika. Sa bawat taon, ang mga institusyong pang-edukasyon kagaya ng mga paaralan at unibersidad, at ang mga sangay ng pamahalaan, ay sama-samang nakikilahok sa iba’t ibang mga gawain tulad ng mga paligsahan sa pagsulat ng sanaysay, mga pagtatanghal, parada, at iba pang paraan nang pagpapakita ng paggamit ng wikang Filipino.

Kahalagahan ng Wika

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao. 

Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga kumunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba’t ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan. Samakatuwid, ang wika ay batayan ng natatanging kultura ng isang bansa. 


Kasaysayan

Noong ika-26 ng Marso 1946, nagpalabas si Pangulong Sergio Osmeña ng Proklamasyon Blg. 35, na nagtatalaga ng petsang mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril bilang Linggo ng Wika. Noong ika-23 ng Setyembre 1955, iniutos naman ni Pangulong Ramon Magsaysay sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 186 na ang Linggo ng Wika ay ipagdiriwang mula ika-13 hanggang ika-19 ng Mayo. Ang pagbabago ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Dahil sa paglilipat na ito ng petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, naging imposible para sa mga estudyante at guro ang makilahok dito. 

Pagkatapos ng Himagsikan sa EDSA noong 1986, inilabas ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 noong ika-12 ng Agosto 1988, upang pagtibayin ang pagdedeklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto kada taon. 

Upang higit pang pagtibayin ang mga naunang proklamasyon hinggil sa Linggo ng Wika, idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 noong ika-15 ng Enero, 1997. 

Sa kasalukuyan, ipinagdiriwang pa rin ang Linggo ng Wika at Buwan ng Wika sa Pilipinas. Opisyal itong nakatala sa listahan ng mga kultural na pagdiriwang sa bansa. 


Selebrasyon

Karaniwang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa elementarya, sekundarya at kolehiyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng palatuntunan, mga patimpalak sa paggawa ng tula, pagbigkas ng tula, pag-awit, pagsusulat ng maikling kwento at sanaysay, pagpupulong, at talakayan gamit ang wikang Filipino. Upang mapahalagahan ang sariling wika, nagkakaroon din ng mga patimpalak sa pagsusulat ng slogan, paggawa ng poster at marami pang aktibidad mula sa iba’t ibang munisipalidad.

Wednesday, August 19, 2009

TAYUTAY AT MGA BAHAGI NITO

Ang tayutay ay ang malaya at pinagyamang paggamit ng mga salita nagsasaad ng karagdagang istilo o kabuluhan sa literal na kahulugan nito. Hindi dapat ipagkamali ang tayutay sa idioma.


Halimbawa
Simili o pagtutulad (simile) - ito ang uri ng pagpapahayag na gumagamit ng paghahambing sa dalawang magkaibang bagay at gumagamit ng pariralang tulad ng, animo, para ng, gaya ng, atbp. 
hal. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning.

Metapora o deretsahang pagwawangis (metaphor) - gaya ng pagtutulad ito ay tuwirang paghahambing sa dalawang magkaibang bagay. Ngunit hindi gumagamit ng pariralang tulad ng, gaya ng, animo ay, atbp. 

Pagtawag o pag alaala o Apostropi (Apostrophe) - biglang pagbabago ng tinig na lipos ng damdaming nananawagan sa gitna ng pangkaraniwang saysay 
Halimbawa 

Kamataya'y nahan ang dating bangis mo nang di na damdamin ang hirap na ito. 

Personipikasyon o Pagsasatao (Personification) - nagkakapit ng katauhan sa mga bagay na walang talino o mga katangiang pinapangarap ng tao. 
Halimbawa 
O! Ibong masaya sa iyong paglipad isakay mo ako sa angkin mong pakpak, tulungan mo akong sa dusa'y umalpas, ibig kong malimot ang huling magdamag. 
Pagtatanong 

Pagdaramdam 

Paghihimig o Onomatopeya (Onomatopoeia) - pagpapahayag na ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang ang tunog o himig ay siyang nagbibigay-pahiwatig sa tunay na kahulugan ng salita. 
Halimbawa 

Ang lagaslas nitong batis, alatiit ng kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan. 

Pag-uulit 
Aliterasyon o Paguulit ng tunog 
Paguulit ng unang tunog ng salita o Asonans (assonance) 
Paguulit ng huling tunog ng salita 
Sunud-sunuran paguulit ng salita 
Paguulit ng buong salita 
Paguulit ng buong parirala sa pabaliktad na tema (Antimetabole) 
Pagbabaliktaran 
Pagtataas tinig at tema o klaymaks (climax) 
Pagbababang tinig at tema 
Pagmamalabis o Hayperboli (Hyperbola) - pagpapaalpas sa haraya (imagination) sa mahinahong larawan ng katotohanan. 
Halimbawa 
Bumaha ang dugo sa mga lansangan. 
Pagpihit 
Pagbubuod 
Panudyong pagbabalikatad (Antithesis) 
Paghinto 
Pag-uyam (Irony) - Ginagamitan ng mga salitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang tila kapuri-puri ngunit ang tunay na kahulugan ay mauunawaan ayon sa paraanng pagsasalita ng tao. 
Halimbawa 
Maraming salamat sa paglalagay samin sa kapahamakan! 
Pagsalungat (Epigram) - magkasalungat ang kahulugan ng salitang pinag-uugnay sa uring ito. 
Hal.
1. Ang ama ang nakasaya sa kanilang Pamilya.

Tuesday, August 18, 2009

mga uri ng tayutay at kahulugan nito

Ang tayutay ay ang malaya at pinagyamang paggamit ng mga salita nagsasaad ng karagdagang istilo o kabuluhan sa literal na kahulugan nito. Hindi dapat ipagkamali ang tayutay sa idioma.


Halimbawa
Simili o pagtutulad (simile) - ito ang uri ng pagpapahayag na gumagamit ng paghahambing sa dalawang magkaibang bagay at gumagamit ng pariralang tulad ng, animo, para ng, gaya ng, atbp. 
hal. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning.

Metapora o deretsahang pagwawangis (metaphor) - gaya ng pagtutulad ito ay tuwirang paghahambing sa dalawang magkaibang bagay. Ngunit hindi gumagamit ng pariralang tulad ng, gaya ng, animo ay, atbp. 

Pagtawag o pag alaala o Apostropi (Apostrophe) - biglang pagbabago ng tinig na lipos ng damdaming nananawagan sa gitna ng pangkaraniwang saysay 

Halimbawa 

Kamataya'y nahan ang dating bangis mo nang di na damdamin ang hirap na ito. 

Personipikasyon o Pagsasatao (Personification) - nagkakapit ng katauhan sa mga bagay na walang talino o mga katangiang pinapangarap ng tao. 
Halimbawa 
O! Ibong masaya sa iyong paglipad isakay mo ako sa angkin mong pakpak, tulungan mo akong sa dusa'y umalpas, ibig kong malimot ang huling magdamag. 
Pagtatanong 
Pagdaramdam 
Paghihimig o Onomatopeya (Onomatopoeia) - pagpapahayag na ginagawa sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang ang tunog o himig ay siyang nagbibigay-pahiwatig sa tunay na kahulugan ng salita. 
Halimbawa 
Ang lagaslas nitong batis, alatiit ng kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan. 
Pag-uulit 
Aliterasyon o Paguulit ng tunog 
Paguulit ng unang tunog ng salita o Asonans (assonance) 
Paguulit ng huling tunog ng salita 
Sunud-sunuran paguulit ng salita 
Paguulit ng buong salita 
Paguulit ng buong parirala sa pabaliktad na tema (Antimetabole) 
Pagbabaliktaran 
Pagtataas tinig at tema o klaymaks (climax) 
Pagbababang tinig at tema 
Pagmamalabis o Hayperboli (Hyperbola) - pagpapaalpas sa haraya (imagination) sa mahinahong larawan ng katotohanan. 
Halimbawa 
Bumaha ang dugo sa mga lansangan. 
Pagpihit 
Pagbubuod 
Panudyong pagbabalikatad (Antithesis) 
Paghinto 
Pag-uyam (Irony) - Ginagamitan ng mga salitang nangungutya sa tao o bagay sa pamamagitan ng mga salitang tila kapuri-puri ngunit ang tunay na kahulugan ay mauunawaan ayon sa paraanng pagsasalita ng tao. 
Halimbawa 
Maraming salamat sa paglalagay samin sa kapahamakan! 
Pagsalungat (Epigram) - magkasalungat ang kahulugan ng salitang pinag-uugnay sa uring ito. 
Hal.
1. Ang ama ang nakasaya sa kanilang Pamilya.

orihinal na tula na ako ang may akda

PUSONG BATO

ni: JOMAR LINGA

Ang isang pag-ibig, tulad din ng bagyo,

Masaya na malungkot, ang dulot nito,
 Masaya dahil nagmamahalan tayo,
 Malungkot, dulot ay sakit sa puso ko.

Susungkitin, mga bituin sa langit, 
 Pangako, noong ikaw ay kinukulit,
 Kung imposible man, kukunin kong pilit,
 Tapat na pagmamahal, aking sinasambit.

Naging masaya, ang mga buwang nagdaan,
 Sa gabi man o araw, nagmamahalan,
 Hindi buo ang araw, kapag kulang ang isa,
 Simbolo ng pag-ibig, dulot ay saya.

Dumating ang araw, di inaasahan,
 Nawala ang noon, wagas na pagmamahalan,
 Duguan, durog, wasak itong puso ko,
 Mali ba ang magmahal, ng isang tulad mo?

Abot-langit na sakit, ang dulot nito
 Ako sayo’y nagtanong bakit mahal ko?
 Minahal kita, bakit nagging ganito?
 Bato ba ang puso, ng taong minahal ko?


Wednesday, August 5, 2009

TAYOMISMO? ano bang naging sukli natin sa kabutihan ni PRES. CORY AQUINO?

AKOMISMO?

on my part ,,bilang return sa kabutihan nya sa ating mga pilipino,maghapong nakatutok sa TV,,my time na medyo naiiyak especially pag pinapakita c kris,,di maiwasang madala ka ng kanyang emosyon,,un ngang TV nmin starts ng 6am pinatay is 9pm na halos,,dere-deretso tlga,,since my cable kmi kaya even on CNN i watched it.



naisip kaya ni RAMOS even ni PGMA ? "kapag cla namatay ganito din kaya gagawin ng sambayanang pilipino sa kanila?

Tuesday, August 4, 2009

What is a Model?

What is a Model?


A model can come in many shapes, sizes, and styles. It is important to emphasize that a model is not the real world but merely a human construct to help us better understand real world systems. In general all models have an information input, an information processor, and an output of expected results.
Key features in common with the development of any model is that:
*simplifying assumptions must be made;
*boundary conditions or initial conditions must be identified;
*the range of applicability of the model should be understood.

In addition:
Models provide an environment for interactive student engagement. Evidence
from science education research shows that significant learning gains are
achieved when students participate in interactive engagement activities.
Thus, it is important that the learning environment/activity created around
a model provide an interactive engagement experience.
Working with models can enhance systems thinking abilities
Models and model development are useful for helping students learn quantitative
skills such as graphing, graphical analysis, and visualization; statistics;
computational skills, mathematics, ......
Many models allow one to perform sensitivity studies to assess how changes in
key system variables alter the system's dynamic behavior. Such sensitivity
studies can help one identify leverage points of a system to either help
one affect a desire change with a minimum effort or to help estimate the
risks or benefits associated with proposed or accidental changes in a
system.

What is a Mock up?
It is a arrangement of a real device or associated devices, displayed in such a way that representation of reality is created. The mock up may be simplified in order to emphasize certain features. It may be an economical reproduction of a complicated or costly device, to be observed for learning purposes. It is a special model where the parts of a model are singled out, heighten and magnified in order to focus on that part or process under study.


Why are models important and useful for students?
*Because it offers one of the most compelling reasons in an introductory
geoscience classroom. "Scientific practice involves the construction, validation and application of scientific models, so science instruction should be designed to engage students in making and using models."

theory of multiple intelligences

 

The theory of multiple intelligences was developed in 1983 by Dr. Howard Gardner, professor of education at Harvard University. It suggests that the traditional notion of intelligence, based on I.Q. testing, is far too limited. Instead, Dr. Gardner proposes eight different intelligences to account for a broader range of human potential in children and adults. These intelligences are: 

*Linguistic intelligence ("word smart"):
*Logical-mathematical intelligence ("number/reasoning smart")
 *Spatial intelligence ("picture smart")
 *Bodily-Kinesthetic intelligence ("body smart")
 *Musical intelligence ("music smart")
 *Interpersonal intelligence ("people smart")
 *Intrapersonal intelligence ("self smart")
 *Naturalist intelligence ("nature smart")

   

Each page of this very brief paper will be devoted to defining an "intelligence" and outlining associated lesson ideas and classroom activities such as learning centers, uses of computer technology, writing activities, etc. that enable teachers to implement MI theory in their classrooms. The implication is that by properly implementing MI theory and teaching challenging content to all student’s intelligences and preferred learning styles, students will:
 *Show increased independence, self esteem, responsibility and self direction. 
 *Show greatly reduced behavioral/attention/learning problems at school and home. 
 *Have improved cooperative skills. 
 *Show increased ability to work "multimodally" (use multiple intelligences), when doing school 
reports, multimedia projects, etc. 
 *Demonstrate improved leadership skills. 
 *Retain information better. 

Further, the teachers role in the classroom should become less directive and more facilitative. Along with their students, teachers will also become more multimodal in their approach to teaching and learning.

Verbal/Linguistic Intelligence 

The capacity to use words effectively, either orally or in writing. A well developed linguistic intelligence shows itself in attention to word, syntax and style. Linguistic intelligence embodies both left and right hemispheric processing of language- both language in a linear sense and language in the enfolded, holistic sense. Students with a high degree of linguistic intelligence think in words, learn by listening, reading and verbalizing. They enjoy writing, reading, telling stories, poetry, books, records, tapes, etc. They learn best by saying, hearing and seeing words.

Learning Activities:
 *Performing poetry read aloud. 
 *Dictionary Game (find an unfamiliar word, challenge everyone to write imaginary definitions, read 
imaginary definitions along with real ones). 
 *Exploring a dictionary of synonyms to attune writers to fine differences in word meanings. 
 *Write a modern day sequel to a classical piece of literature. 
 *Write critical analyses of famous art, music or drama. 
 *Debate controversial political or historical decisions, for example, the Dred Scott Decision Supreme Court 
decision. 
 *Write math story problems for others to solve. 

Visual/Spatial Intelligence

The ability to comprehend shapes and images in three dimensions. Spatial intelligence is often relied upon by designers, architects, sculptors, engineers, etc.. It is also the "more abstract intelligence of a chess master, a battlefield commander or a theoretical physicist", as well as the familiar ability to recognize objects, faces and details. A sharp distinction can be seen between visual acuity and spatial ability. For example, a blind person may feel and identify a shape with ease, but be unable to see it. Males typically score more highly than females in this category of intelligence.

Learning Activities:
 *Examine alternate endings to a story to see which one gives a "sense of wholeness". 
 *Examine the language of architects, sculptors and other visual thinkers to see how it differs from common 
usage.  
 *Students create visual metaphors (charts, posters, etc.), representing historical and current events. 
 *Analyze art, posters and other visual media for evidence of political distortion, faulty logic, etc. 
 *Demonstrate and compare games of strategy from different cultures. 
 *Create 3D models that show the changing positions of the constellations through the year. 
 *Create murals that depict the story of an historical period. 
 *Illustrate a piece of literature with color, images and patterns. 
 *Draw patterns/images to illustrate different natural processes. 
 *Work with manipulatives to learn math operations. 
 *Study other cultures through painting and sculpture.

Musical Intelligence

The capacity to perceive, compose, discriminate, transform and express musical forms (rhythm, pitch, harmony, timbre, etc.). Musical ability functions according to Gardner like an intelligence- what composers call logical musical thinking- thinking involving both left and right hemispheres.

Learning Activities:
   
  Learn about different periods of history by analyzing their music. 
  Illustrate a piece of literature with music, sound and rhythm. 
  Make a music tape to accompany different natural processes. 
  Write math operations, formulas and problem solving raps. 
  Learn about math concepts embedded in musical/dance pieces. . 
  A music learning center where students listen to music while studying spelling words. 
  Study songs and their uses from different cultures. 
  Analyze and study song lyrics to gain greater cultural and historical understanding. 
  

Logical/Mathematical Intelligence

The ability to mentally process logical problems and mathematical equations. Examples of such reasoning might include a mathematician working through the implications of a theorem or a reader unraveling a mystery story. According to Gardner, the most successful application of logical-mathematical intelligence is the scientific method as applied for example, in the work of Newton, Einstein and other great scientists. 

Learning Activities:  
*Interview someone doing work in the forefront of physics, biology, etc. 
 *Have students write about the use of logical/mathematical thinking on the news and in science reporting.  
 *Use the scientific method for discovery (science lab). 
*Analyze a culture’ development chronologically. 
 *Play "Math Jeopardy" and explain operations for arriving at answers. 
 *Use a graphic organizer to analyze a scene/character in a play. . 
 *Students construct a timeline of historical events. 

Bodily-Kinesthetic Intelligence

Expertise in using one’s body to express ideas and feelings as well as the facility to handle objects skillfully. Bodily-Kinesthetic intelligence involves the control of movement to exhibit fine motor control and characteristics such as grace, balance and agility. It involves a natural sense of how one’s body should act and react in a demanding physical situation, including a sense of timing, a clear sense of goal and the ability to train responses so they become "automatic". Often dancers and actors will talk about a "feeling in their bodies"- an intelligence unto itself yet integrated with one’s entire being.

Learning Activities:

 *Writing that closely describes an action or characterizes a person through gesture, rhythm and ways 
of moving. 
 *Interrupt a period of writing with a kinesthetic experience such as a breathing exercise or simple closed eye movement exercises and note the differences before and after the "interruption".  
 *Interview people with kinesthetic gifts such as athletes, gymnasts, dance artists, etc. 
 *Act out great moments or historical events from the past. 
 *Act out sun/lunar/planetary rotation/revolution. 
 *Learn to play games that are popular in different cultures. 
 *Physically embody geometry formula/fractions. 
 *Create a living painting/sculpture of an idea or feeling. 

Interpersonal Intelligence

The ability to perceive and make distinctions in the moods, intentions, motivations and feelings of other people. The ability to interact with others, understand them and interpret their behavior. Interpersonal intelligence and intrapersonal intelligence are "inextricably" interconnected since true self knowledge requires a sensitivity to others and vice versa. Interpersonal and intrapersonal intelligences are often found strongly developed in politicians, religious leaders, therapists, shamans, etc. 

Learning Activities (all of these are also shared by Intrapersonal category):
  
*Writing from personal experience (journals), writing about another person, writing to a specific audience 
and presenting an issue in terms of its impact on a single person. 
 *Composing of notebooks, diaries, journals for personal reflection and coming to terms with other’s 
behaviors. 

Intrapersonal Intelligence 

The cognitive ability to understand our self- access to one’s own feeling life, the capacity to discriminate feelings, to find symbols for them and to draw upon them to guide one’s own life. Again, intrapersonal is closely related to interpersonal intelligence since both are required to fully develop self knowledge and a sensitivity to others. Self esteem, self-enhancement and strength of character are all associated with intrapersonal intelligence and the ability to use this intelligence to solve life problems.

Learning Activities (all of these are also shared by Interpersonal category):

 *All activities listed for interpersonal intelligence. 
 *Imagine having dialogues with past historical figures. 
 *Write a reflection on a life lesson derived from some piece of class literature or reading. 
 *Brainstorm spiritual gifts of different cultures. 
 *Think and write about how math concepts help in daily living. 
 *Write a reflection on personal tastes in art, music, dance and/or drama. 
  .