Halos dumoble pa ang bilang ng kaso ng dengue sa bansa sa unang walong buwan ng 2010, kumpara sa nakalipas na taon.
Sinabi ni Health Sec. Enrique Ona, mula Enero 1 hanggang Agosto 21 ay nakapagtala na ang DOH ng 62,503 dengue cases mas mataas ng 88.8 percent kumpara sa 33,102 kaso noong 2009.
Mas marami rin ang naitalang dengue deaths ngayon na umaabot na sa 465, kumpara sa 350 lamang na bilang ng nasawi noong nakaraang taon.
Tiniyak naman ng DOH na karamihan sa kaso ng may sakit na dengue ay maaari nang magamot sa bahay pa lamang at hindi na kailangan pang dalhin sa ospital.
Ayon kay Ona, sa halip na i-confine sa ospital ang mga pasyente, mas makabubuting gawin ng mga magulang at care givers ang D.E.N.G.U.E. strategy.
”D.E.N.G.U.E’ stands for D-daily monitoring of the patient’s status, E-encourage intake of oral fluids like oresol, water, juices, etc, N-not any dengue warning signs like persistent vomiting and bleeding; G-give paracetamol for fever and not aspirin, because it induces bleeding, U-use mosquito nets and E-early consultation is advised for any warnings,” paliwanag pa ni Ona.
Makatutulong din umano ito upang mabawasan ang pagsisikip ng ospital dulot ng mga pasyente may sakit na dengue. (Ludy Bermudo/Doris Franche/Rudy Andal)
No comments:
Post a Comment