Wednesday, September 8, 2010

58 estudyante patay sa dengue

Ni Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) Updated September 09, 2010 12:00 AM


MANILA, Philippines - Naalarma na ang Department of Education (DepEd) sa bagsik ng dengue matapos mapaulat na may 58 nang estudyante ang nasasawi sa naturang sakit ngayong taon.

Sa datos ng DepEd Health and Nutrition Center, may 4,738 mag-aaral na ang dinapuan ng dengue sa buong bansa at nasa 58 dito ang namatay.

Samantala, umabot na sa kabuuang 54,659 dengue cases ang naiulat sa buong bansa mula Enero 1-Agosto 14, 2010, mas mataas ng 31, 248 sa kaparehong panahon noong 2009.

Nangangamba naman si Secretary Bro. Armin Luistro na maaaring magkaroon ng “outbreak” sa mga paaralan kaya hiningi niya ang kooperasyon ng mga regional directors, principal, guro, mag-aaral, mga magulang at mga pinuno ng lokal na pamahalaan sa paglaban sa sakit.

isa-isa na ring binibisita ng mga opisyal ng DepEd Central Office ang mga paaralan upang malaman ang katayuan ng mga ito habang magbabantayan naman ang mga guro at mag-aaral sa isa’t isa, sa mga katabi sa upuan upang mamonitor ang kalusugan ng mga ito at agad na maiulat kung may tatamaan ng sakit upang hindi agad na maisugod sa pagamutan at hindi na kumalat.

Ilang paaralan na ang pumapayag na pumasok sa klase ang mga mag-aaral na nakasuot ng pantalon, pajama, long sleeves shirts kontra sa nakamamatay na lamok.

1 comment:

Buy contact lenses said...

Very informative, keep posting such appropriate articles, it actually facilitates to recognise about matters.